Narito na ulit ang Monkey King maestro para manggulo ulit sa midlane. Nagbalik si Topias “Topson” Taavitsainen tampok ang ibang mga kulay, suot ang pula at puti ng kanyang bagong koponan na T1.

Nagpahinga ang two-time The International (TI) winner nang halos isang taon matapos ang TI10 kasama ang OG. Ngayon, nagka-comeback ang 24-year-old Finnish pro sa isang bagong rehiyon.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ibinahagi ng bagong T1 star ang kanyang kumpyansa sa pagbabalik sa pro scene, ang kanyang relasyon kay captain-offlaner Carlo “Kuku” Palad, at ang kanyang mga plano sa hinaharap.


Kumpyansa at handa si Topson, salamat sa pubs

Topson
Credit: ONE Esports

Nilagay si Topson sa inactive roster ng OG noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos ang top 8 finish sa TI10—isang magandag resulta para sa halos lahat ng pro, maliban sa isang manlalaro na nakalasap ng tagumpay sa unang dalawa niyang pagsabok sa prestihiyosong torneo.

At ano pa nga ba ang gagawin ng former TI winner sa kanyang pahinga? Siyempre, maglaro ng Dota. Nasa Europe man o Southeast Asia, naglaro siya ng napakaraming pubs—madalas na ini-stream para sa kanyang fans—na sa tingin niya ay maganda pa ring paraan para magsanay.

“Pubs are the only area to hone mechanical skills before official practice or matches,” wika ni Topson.

Kahit pa wala siya sa competitive scene sa loob ng halos isang taon, tiwala pa rin ang midlaner sa kanyang pagbabalik sa T1 kung saan inengganyo siya ng dating OG teammate at ngayo’y T1 teammate na si Anathan “ana” Pham.

“I would say that I’m confident and ready,” dagdag pa niya.

At nasuklian ang kanyang kumpyansa. Sigurado nang lilipad ang T1 sa Singapore para sa TI11 Last Chance Qualifier matapos iselyo ang top 3 finish sa SEA Regional Qualifier.


Ibinahagi ni Topson ang kanyang relasyon kay Kuku

Dota2 Kuku T1 TI10 Main Stage Playoffs
Credit: Valve

Alam ng mga fans ng stream ni Topson na sa kasagsagan ng kanyang pamamalagi sa SEA—na notoryus sa pagkakaroon ng mga manlalarong minsan ay walang pakialam sa kung paano maglaro o manalo—nagkaroon siya ng awkward na sitwasyon kaugnay si T1 captain Kuku.

Matapos kasi ang isang pub game noong Enero, napagpasyahan ni Topson na i-avoid si Kuku. Pero hindi naman nagtatagal ang samaan ng loob, lalo na kapag may mga pro games na kailangang ipanalo.

“Kuku is very talkative and easy-going,” ani Topson. “Relationship-wise, it’s professional, I think. We talk about Dota ideas a lot, sometimes about personal stuff, families, and others.”

Masaya siya sa paglalaro kasama ang mga bagong kakampi, sa isang bagong rehiyon, at para sa isang bagong organisasyon. Tinawag niya itong bagong karanasan, na inihalintulad niya sa simula ng kanyang TI8 run kasama ang OG.

“It is like a new beginning for me,” paglalahad ni Topson.


Mas gusto ni Topson sa Europe, pero bukas naman ang kanyang mga opsyon

Credit: Valve

Sa simula ay ninais ni Topson na mag-stay sa Europe dahil naniniwala siya ang rehiyon ang benchmark ng kompetisyon, sabi niya sa Monkey Business podcast ng OG. Kahit nasa T1 na siya ngayon, gusto pa rin niyang ilaan ang kanyang hinaharap sa Europe, kahit pa flexible siya sa loob at labas ng laro.

“Number one goal is to really play in Europe. But if there’s no opportunity, I can go anywhere.”

Kahit nasa organisasyon na tulad ng T1, pinili pa rin niya panatilihing bukas ang kanyang estado bilang stand-in sa halip na maging miyembro ng koponan. Bagamat hindi naman ito masyadong mahalaga sa practice, senyales ito ng kanyang layunin.

Pero ‘di dapat mag-alala ang mga SEA fans na nanonood ng kanyang stream. Marami pang Dota ang lalaruin at marami pang oras para magdesisyon si Topson. Sa ngayon, isa siyang proud member ng
T1 at nakataya rin ang tsansang makamit muli ang Aegis of Champions.

“I don’t have any solid plans at the moment. I just want to take it easy and focus on what’s in front of me.”

Ngayon, tapos na ang TI11 qualifiers at sa madaling panahon ay lilipat na ang entablado sa Singapore. Nasa Last Chance Qualifier man, siguradong marami pa rin ang naniniwala na makakatuntong si Topson sa main stage at i-entertain ang libo-libong manonood.


Base ito sa akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.