Inilahad kamakailan ng Talon Esports ang pinakabagong coach ng kanilang Dota 2 roster na si Andrii “ALWAYSWANNAFLY” Bondarenko.
Bagamat kakaanunsyo lang, tinulungan na ng 31-year-old former player ang Southeast Asian organization na makapasok sa The International 11 (TI11) sa pamamagitan ng katatapos lang na SEA Regional Qualifier. Pinalita niya si Korean ex-pro player at coach Lee “Forev” Sang-don.
Si ALWAYSWANNAFLY o AWF ay isang veteran sa Eastern European pro scene na nakilala sa kanyang karera bilang manlalaro ng Team Empire at FlyToMoon stack na kalauna’y kinuha ng Winstrike at Natus Vincere. Nakadalo siya sa tatlong edisyon ng Dota 2 world championship–ang TI4, TI5 at TI8.
Mula nang lisanin ang NAVI noong Mayo 2021, hindi na naging aktibo ang Ukrainian sa competitive setting hanggang sa makuha niya ang coaching position sa Talon.
Kinumpleto ni ALWAYSWANNAFLY ang TI11 roster ng Talon Esports
- (1) Nuengnara “23savage” Teeramahanon
- (2) Rafli Fathur “Mikoto” Rahman
- (3) Damien “kpii” Chok
- (4) Brizio Adi “Hyde” Putra Budiana
- (5) Worawit “Q” Mekchai
- (Coach) Andrii “ALWAYSWANNAFLY” Bondarenko
Kasama si ALWAYSWANNAFLY, handa na ang Talon Esports na magpakitang-gilas sa entablado ng The International na gaganapin ngayong taon sa Singapore sa susunod na buwan.
Ipinakita ng Talon kung bakit sila ang itinuring na isa sa mga paboritong maghari sa SEA Qualifier. Sa kanilang upper bracket run, hindi natalo ni isang beses ang koponan laban sa Lilgun, Polaris Esports at T1 na pinagbibidahan nila two-time TI winners Anathan “Ana” Pham at Topias “Topson” Taavitsainen.
Ang tanging naging balakid lang sa kanila ay ang all-Pinoy team na Polaris pagsapit ng grand finals. Dito lang sila nakalasap ng pagkatalo sa dalawang laro pero nagawa pa rin nilang manaig sa pinakamahalagang serye na umabot sa deciding Game 5.
Dahil dito, nakatalon ang Talon Esports diretso sa TI11 group stage at naiwasan ang madugong Last Chance Qualifier kung saan ang 12 koponan na binubuo ng 2nd at 3rd placers sa regional qualifiers ay magsasagupaan para sa natitirang dalawang slot sa main event.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa Dota 2.
Hango ito sa katha ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.