Makikitang panay loot at tira ng mga players sa Al Mazrah sa pinakabagong battle royale title ng Call of Duty, ang Warzone 2.0.
Sa 150 Operators na nakikipagbakbakan sa iba’t-ibang POIs, nais nilang makita ang lahat ng mga detalye. Isang importanteng gameplay setting na dapat mong isipin ay ang iyong field of view na makakatulong saiyo ma-spot agad ang mga kalaban.
Ito ang isang quick guide sa best FOV settings sa Warzone 2, at isa na ring pagkukumpara sa tatlong pinaka-sikat na settings.
Isang gabay para mahanap ang best FOV setting sa Warzone 2.0
80 ang default FOV setting mo sa laro, ngunit maari pa itong ma-adjust sa minimum na 60 at maximum na 120. Habang mabibigyan ka ng pinakamalawak na in-game view ng 120 setting, karamihan sa mga players ay ginagawa itong 110 para mabawasan ang fisheye effect at madagdagan ng espasyo ang gitna ng kanilang mga screen.
Alalahanin na ang mga values na mas mataas sa default ay maaring makadulot ng mas mababang frame rate sa mga mas mahina na makina at graphical distortion.
Ito ang isang step-by-step guide kung paano ma-adjust ang iyong field of view:
- I-click ang Settings gear icon at piliin ang Graphics
- Piliin ang View tab
- Hanapin ang field of view option sa taas at I-slide ang value sa iyong ninanais na numero.
Isang pagkukumpara sa 80, 100, at 120 settings
Ito ang isang mabilisang pagkukumpara ng mga field of view values na 80, 100, at 120:
Ang pinagkaiba ng tatlo ay halata naman. Ang isang 120 FOV ay magbibigay saiyo ng mas malawak na tanawin ng lugar, kasama ang bintana sa kaliw at ang buong pintuan. Sa kabilang palad, ang bintana ay hindi na makikita sa isang 80 FOV.
Ngunit, kapag mas mataas ang FOV, mas maliit rin tignan ang mga bagay-bagay, tulad ng mga kalaban. Ibig sabihin nito ay mas maliit tignan ang mga malayong kalaban, kaya maaring mas maganda piliin mo ang gitna tulad ng 100 hanggang 110.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang CoD news, guides, at highlights.