Isa sa pinaka-iconic na characters si Simon “Ghost” Riley sa Call of Duty franchise.
Kilala ang British special forces operative at commanding officer ng Task Force 141 dahil sa kaniyang kakaibang skull balaclava. Ngunit nanatiling misteryo ang mukha niya.
Ibinunyag na ng isang Redditor ang face model sa likod ng maskara, at tuwang-tuwa ang mga fans.
Ano nga ba ang itsura ng mukha ni Ghost?
Kilala si Ghost dahil sa kaniyang reputasyon, ngunit walang nakakalaam sa kaniyang nakaraan. Ang kaniyang mga aktibidad kasama ang 6 unit ni Captain John Price ay parehas na sikat ngunit classified, kaya naman nakapalibot siya ng misteryo.
Habang tinukso ng campaign ng Modern Warfare 2 ang mga players ng isang fae reveal, hindi pa rin nila ito pinakita. Ang nakita lamang natin ay ang likod ng kaniyang ulo at isang shot ng kaniyang mga mata habang suot ang kaniyang balaclava – isang throwback sa kaniyang mask sa orihinal na mga laro.
Pinakita ng face model si Ghost na mayroong face paint, ngunit mabilis naman na napansin ng mga fans na mukhang isang rendering ito ng voice actor na si Samuel Roukin.
Minana ni Roukin ang role na ito para sa Modern Warfare 2 matapos ito gampanan ni Jeff Leach na naging voice actor ng character sa 2019 Modern Warfare reboot.
Kilala ang Call of Duty sa kanilang pagbase ng kanilang mga character models sa voice actors nito, at ganoon na nga ang nangyari kay Ghost. Halimbawa, si Captain Price ay kamukha ng kaniyang voice actor na si Barry Sloane, habang makikilala mo si Thomas Beaudoin bilang si Reyes.