Napakaimportante ng pera sa bagong Warzone 2.0 battle royale ng Call of Duty.
Sa battle royale mode, maaari mong ma-access ang iyong primary weapon kasama ang mga attachments nito mula sa Buy Station sa halagang $5,000. Ito ang unang hakbang upang makuha ang iyong full custom loadout, kasama ang iyong napiling Tactical, Lethal, at perk package.
Paano makakuha ng mas maraming pera sa Warzone 2.0
Merong ilang pwedeng paggalingan ng pera kapag na-deploy ka na:
- Contracts
- Lockers
- Supply crates
- Cash registers
- Ground loot
Ang Safecracker contract ang pinakamalaking pinanggagalingan ng pera sa game. Ang mga contracts na ito ay minamarkahan ng light green na phone icon na may simbolo ng safe sa Tac-Map. Kapag na-activate ito, kelangan mong magbukas ng tatlong magkakaibang safe sa area.
Mabuti na lamang ay hindi kinakailangang mag-crack ng code para dito. Magtanim lang ng C4, pasabugin ang safe, at kumite. Mabilis din itong makumpleto nang mabilis kung nasa isang squad ka, dahil maaari kayong mahiwa-hiwalay at buksan ang mga safe nang sabay-sabay.
Ang bawat safe ay nagbibigay ng pera at random loot. Kapag nakumpleto na ito, makakakuha din ng karagdagang $4,000 mula sa contract.
Ang mga bounty conrracts ay nagbibigay ng $5,000 ngunit mas mapanganib ito. Kailangan mong itumba ang isang player upang makumpleto ito, at maaaring mabaligtad ang sitwasyon sa paggawa nito.
May pera rin na pwedeng makuha sa mga lockers, supply crates, at mga cash registers. I-check ang bawat stash na makita – ano man ang makita mo ay madadagdag na rin.
Pwede ka ring makakuha ng pera kasama ng mga ground loot, o mula sa mga katawan ng mga kalabang naitumba.
Ang lahat nang perang ito ay mapupunta sa pagbili ng mahahalagang gear sa Buy Stations, kabilang ang armor plates. armor boxes, at iba’t ibang kill streaks, field upgrades, at tactical at lethal equipment.
Ang mga Buy Stations ay nakakalat sa kabuuan ng mapa at minamarkahan ng puting shopping cart icon. Mukha itong mga malalaking crates – upang bumili ng items, mag-interact lang upang makita kung anong pwedeng mabili.
Pero hindi tulad ng sa DMZ, hindi ka pwedeng magbenta ng items upang kumita sa Warzone 2.0.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.