All in na sa gaming ang Microsoft. Sinabi ng tech giant na kukunin nila ang video game developer na Activision Blizzard sa halagang US$68.7 billion, isang deal na makikitang maging pangatlong pinakamalaking gaming company sa revenue ang Microsoft. Ito ay sumunod lamang sa Sony at Tencent na hawak ang panguna at pangalawang pwesto.
Ang Activision Blizzard ang nasa likod ng sikat na titles tulad ng Call of Duty, World of Warcraft, Diablo at Overwatch. Sasamahan nito ang magarang portfolio ng gaming studios ng Microsoft, na kasama na rin ang sariling Xbox business at bagong bili ng kompanya tulad ng Bethesda.
Ano ang ibig sabihin nito para sa Microsoft at Activision Blizzard?
Magkakaroon na ng access ang Microsoft sa 400 million monthly users ng Activision Blizzard, na magpapalakas sa kanilang hangarin na palakihin ang kanilang gaming business sa mobile, PC, console, at cloud.
Gagawin ring mas mabenta ng deal na ito ang Game Pass portfolio ng Microsoft. Sinabi ng kompanya na may plano sila ilabas ang mga laro ng Activision Blizzard bilang parte ng Game Pass na mayroon nang 25 million subscribers. Mukhang magbibigay na ang Game Pass ng isa sa pinakamalawak na pagpipilian ng titles para palakasin ang posisyon ng Microsoft sa mundo ng gaming.
Mukhang isa pa lang ito sa maraming plano ng Microsoft. Sa isang announcement post, sinabi ng kompanya na magbibigay ng “building blocks for the metaverse” ang deal na ito, at dahil diyan, isang direktang kalaban na nito ang Meta (dating Facebook).
Para naman sa Activision Blizzard, nag-publish sila ng isang email mula sa CEO nila na si Bobby Kotick, na mananatiling CEO. Hindi pa inaasahang ma-finalize ang deal sa kalagitnaan ng 2023, at sinabi ni Kotick na magpapatuloy ang “autonomous” na operasyon ng kompanya.
Para naman sa mga fans, ang pinakamalaking tanong ay kung paano maapektuhan ang mga franchise ng Activision Blizzard tulad ng Overwatch at Diablo na kung saan nadelay na ang kanilang mga sequels.