Maari ba maging bagong go-to assault rifle na ito sa Caldera?
Ipinagyabang ng FaZe Clan streamer na si Ean “Booya” Chase ang kaniyang bagong STG44 class sa Call of Duty Warzone, at sinabi niyang wala itong recoil kahit na tumatarget ito ng kalaban mula sa malayo.
Paano tinanggal ni FaZe Booya ang recoil sa kaniyang STG44 class sa Call of Duty Warzone
Isang malakas na assault rifle ang STG44 sa mid hanggang long range na bakbakan, lalong-lalo na sa Caldera na mayroong maraming mahahabang open na sightlines.
Sa lahat ng 10 na attachments, sinabi ni Booya na ang 7.62 Gorenko 50 Round Mags ang kaniyang key attachment dahil nagbibigay ito ng “bump” sa recoil control at accuracy.
Para mas mawala pa ang recoil ng baril, ginamitan ito ni Booya ng Focus weapon perk na nagpapataas ng flinch resistance ng operator kapag binabaril siya.
Ang pinakamalaking kahinaan ng STG44 class na ito ay ang kakulangan niya sa mobility. Para maayos ito, gumagamit si Booya ng mas magaan na secondary weapon tulad ng pistol o submachine gun kapag siya ay gumagalaw.
Kung ikaw ay isang agresibong player na naghahanap ng bakbakan, nirerekomenda ni Booya ang paggamit ng Tempered perk dahil pinapabawas nito ang plating time at makakapag-engage ka nang mas mabilis.
Ito ang overview ng kumpletong STG44 loadout ni Booya sa Call of Duty Warzone:
SLOT | ATTACHMENTS |
Muzzle | MX Silencer |
Barrel | Krausnick 620mm Precision |
Optic | G16 2.5x |
Stock | VDD 34S Weighted |
Underbarrel | m1941 Hand Stop |
Magazine | 7.62 Gorenko 50 Round Mags |
Ammunition | Lengthened |
Rear Grip | Polymer Grip |
Weapon Perk 1 | Focus |
Weapon Perk 2 | Fully Loaded |
Kung gusto mo makita in action ang STG44 class na ito, panoorin mo ang Rebirth Islang gameplay ni Booya dito:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa COD.