Nagpunta ang Call of Duty Warzone streamer group na Nuke Squad sa Alcatraz Federal Penetentiary, ang real life inspiration ng Rebirth Island map.
Marahil ay alam ng maraming die hard fans ng COD franchise na angh Rebirth Island ay isang remake ng Alcatraz map sa Blackout mode ng Call of Duty Black Ops 4.
Nag-tour ang Nuke Squad sa Alcatraz, ang real life inspiration ng Rebirth Island
Bagama’t madalas na bumabagsak ang mga operators galing sa isang airdrop, isang bangka ang sinakyan nila papunta sa island prison at dumaong sa harap ng Factory place-of-interest (POI).
Habang naglalakad ang Nuke Squad sa labas ng real life Rebirth Island, mapapansin kung gaano kaeksakto ang pagkakagaya ng map sa back-and-forth montage ng mga highlights ng team.
Bagama’t may mga opisyal na pangalan ang iba’t ibang gusali sa island prison, tinawag ito ng mga myembro ng streamer crew ayon sa kanilang in-game locations tulad ng Decontamination Zone at Chemical Engineering.
Isa sa mga POI na eksklusibo sa Rebirth Island ay ang Control Center. Dating tinatawag na Construction Site, ang lokasyong ito ay pwedeng lakarin mula sa Prison Block.
Call of Duty Warzone streamers kinausap ang isang dating Alcatraz inmate
Sa pagtatapos ng kanilang pamamasyal, nagkaron ang Nuke Squad ng pagkakataon na makausap ang isang dating inmate na si William Baker tungkol sa kanyang karanasan sa Alcatraz.
“Everybody who went to Alcatraz came for breaking rules at other prisons. The rules were very strict. Monday through Friday, you were either working or locked in your cell,” kwento ni Baker.
Bagama’t sumagi na rin sa isip nya ang tumakas, nanaatili si Baker sa Alcatraz upang bunuin ang kanyang tatlong taong sintensya.
Kung nais nyong makita ang kanilang mga pinuntahan sa Rebirth Island, panoorin ang buong Nuke Squad video sa ibaba:
Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.