Arangkada na, mga operators!
Magdadala na ng malalaking pagbabago sa battle royale gameplay ang Call of Duty Warzone Pacific, at magsisimula ito sa mga armored war machines.
Maliban sa mga World War II rides na dinisenyo para sa tropical setting ng Caldera sa Vanguard, ipinakilala din ng Activision ang mga armored transport trucks at bomber planes na maaring makahatak ng isang Warzone victory.
Nagdagdag na ang Call of Duty Warzone Pacific Season 2 ng armored transport trucks na umaatake sa players
Ang mga armored transport trucks ang sariling bersyon ng Big Bertha ng Caldera, at may dagdag pa na surpresa dito.
Maliban sa mga bigating armored exteriors, may dalawang machine-gun turrents ang mga steel behemonths na ito sa gilid niya. Gumagala ito sa mga kalye ng Caldera sa isang loop, at inaatake nito ang kahit sinong players na malapit sa area.
Pero nagkakaroon ng importanteng loot ang mga trucks na ito kapag sinira, at maaring makahatak ito ng pabor sa team niyo. Sa mga bihirang panahon, maari pa ito maging isang Nebula V bomb, ang pinakamatinding weapon ng season.
Ang Nebula V bomb ay isang nakasaradong briefcase na may nakakamatay na gas at explosive charge. Kapag in-activate ito ng isang Operator, sasabog ito matapos ang isang countdown and hindi ito maaring masira. Nagdudulot ng matinding damage ang unang pagasbog nito sa isang maliit na radius bago lumabas ang gas na nagdudulot rin ng damage sa mga Operator na walang suot na gas mask.
Ito ay isang matinding tool na mag-dedeny ng mga area sa mga kalaban na squad, na maaring ibahin ang laro kung naipit ka na.
Ngunit kung gusto mong kalabanin ang mga metal titans na ito, kailangan mo maging maingat sa mga mines na nasa likuran nito, at ang air support na tinatawag nito kapag bumaba ka na sa low health.
Tignan ang langit para sa mga bomber planes
Kung inaakala mo na sapat na ang gulo na dala ng mga fighter planes, dinoble pa ito ng Activision sa kanilang pangalawang aerial machine, ang bomber plane.
Ang nakakatakot na air-to-ground striker na ito ay may kapabilidad na sumira ng isang infantry, mga vehicles, at kahit loadout drops. Magdadalawang-isip na ang mga Operators kapag gumagamit ng anti-air guns dahil easy target ito para sa bagong plane na ‘to.
Bagamat mukhang untouchable ang mga planes na ito sa langit, sabi ng Activision na may palag pa din ang mga fighter planes para patumbahin ito.
Gumawa din ng iilang balance tweaks ang Activision sa parehas na fighter at bomber planes. Makikita mong mababawasan ang health nito sa bagong Season 2 update, kaya mas madali na itong patumbahin mula sa lupa.
Resposition gamit ang Redeploy Balloons
Naghahanap pa ng aerial action ang Season 2 sa paglabas ng Redeploy Balloons.
Nakikita sa Tac Map bilang isang blimp icon, ang Redeploy Balloon ay isang quick-access na paraan para tumaas sa langit at mag-reposition. Maaring makarating ang mga Operators sa balloon via grounded zipline, at pwede silang tumalon mula sa tuktok at mag-deploy muli sa kanilang kanilang parachute. Parehas ito sa Jump Towers ng Apex Legends.
Abangan mo pa rin ang mga kalaban. Maaring mag-deflate ang mga balloons gamit ang mga planes at weapons. Ngunit kung may sapat na cash ka naman, maari kang gumastos para ma-reinflate ito.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Warzone Pacific Season 2 will have armored transport trucks and bomber planes.