Ang Warzone Pacific Season 2 ay nagdala ng maraming pagbabago sa mga meta weapons tulad ng Bren at MP40.
Matapos ang mga nerfs na natanggap ng MP40 submachine gun sa mid at long-ranger fights, naghahanap ang mga players ng bagong SMG loadout na gagamitin sa Caldera.
Naniniwala si Kris “Swagg” Lamberson ng FaZe Clan na nahanap nya na ang ebst Warzone SMG sa Season 2. Ipinagmalaki ng streamer ang kanyang bagong hipfire MP5 loadout, na sinasabi nyang magiging top meta gun sa Caldera para sa season na ito.
Ang MP5 loadout na ito ang best Warzone SMG ayon kay Swagg
SLOT | ATTACHMENT |
Muzzle | Monolithic Suppressor |
Laser | 5mW Laser |
Underbarrel | Merc Foregrip |
Magazine | 45 Round Mags |
Weapon Perk | Sleight of Hand |
Pinili ni Swagg ang Monolithic Suppressor para sa muzzle, na nagsu-suppress ng ingay at nagdadagdag ng range.
Dahil ito ay isang hipfire build, na nangangahulugang hindi ito nangangailangan ng ADS, gumagamit din sya ng 5mW Laser para sa mas mataas na accuracy. Napapataas din nito ang sprint to fire speed, na malking tulong pagdating sa mga aggressive plays.
Isa nga lang sa downside ng laser ay maaari nitong ibigay ang iyong posisyon dahil nakikita ito ng mga kalaban, pero hindi ito mahalaga dahil nga aktibo kang maghahanap ng laban.
Ang Merc Foregrip sa underbarrel ay nakakatulong din sa hipfire accuracy, dagdag pa dito ang bonus na mas magandang recoil control.
Ang 45 Round Mags naman ay nakakadagdag sa ammo capacity, para hindi ka maubusan habang mabilis mong niraratrat ang kalaban.
At panghuli, ang Sleight of hand perk ay nakakapagpabilis ng reload, isa sa mga importanteng katangian para sa isang hipfire MP5 build kung makikipagsabayan ka sa mga kalabang Operators.
Sinabi rin ni Swagg na may ilang paraan para i-modify ang setup na ito. Kung hindi masyadong mahalaga para sa iyo ang hipfire accuracy, pwede mong tanggalin ang 5mW laser at palitan ito ng FTAC Collapsible stock. Ang stock na ito ay nagbibigay ng dagdag na movement at ADS speed, para sa mga players na gusto ng mabilis na build pero gumagamit ng ADS.
Panoorin ang gameplay ni Swagg gamit ang hipfire MP5 build na ito sa video sa ibaba.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.