Nandito na ang bagong update sa Call of Duty Mobile, at nagkaroon na naman ng mga panibagong buffs at nerfs sa mga paborito mong baril. 

Mga na-buff na baril sa Call of Duty Mobile Season 2 

CODM na-buff na baril
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

AK-47 

Mapapadalas ang pag-gamit mo ng sikat na Assault Rifle na ito, dahil na-buff na naman siya sa Season 2. 

Tumaas ang chest at upper arm Damage Multiplier niya mula sa 1x patungong 1.1x 

Bumaba din ang recoil sa 5.45 Rounds Magazine niya, habang tumaas ang Ammo capacity at Damage Range niya. 

CODM HBRA3
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

HBRA3 

Tumaas ang headshot Damage Multiplier ng AR na ito mula sa 1.1x patungong 1.3x pati na rin ang chest Damage Multiplier mula sa 1.1x patungong 1.2x. 

Tila tumaas din ang Damage Range nito. 4 shots to kill ito sa layong 13m-18m, at 5 shots to kill sa layong 25m-28m. 

Bumilis din ang Reload Speed ng HBRA3. 

CODM Kilo 141
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Kilo 141 

Bumaba ang recoil ng AR na ito, at inayos na rin ng mga developers ang issue niya sa LMG mag. 

CODM Peacekeeper MK2
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Peacekeeper MK2 

Bumaba ang horizontal recoil ng Peacekeeper MK2 sa Season 2. 

CODM Rytec
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Rytec AMR 

Tumaas naman ang Damage Range ng Sniper Rifle na ito mula sa 50m patungong 60m. 

Bumaba din ang Light Barrel range penalty nito. 

CODM RUS 79U
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

RUS 79U 

4 shots range ang baril na ito sa layong 4m-7m. 

CODM AK117
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

AK117 

4 shots range ang baril na ito mula sa 3.5m-8m.

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoDM.