Nandito na ang bagong Battle Pass sa https://www.oneesports.ph/call-of-duty/Call of Duty Mobile Season 2, at marami na naman ang mapapagastos.
Anong meron sa Task Force 141 Battle Pass ng Call of Duty Mobile?
Kasama sa Season 2 ang Hardhat, isang Counter Intel themed event at mga bagong skins sa bagong BP.
Ang iilan sa mga notableng Operator skins sa bagong battle pass ay paboritong Ghost: Task Force at
Mayroon ding mga panibagong functional weapons, charms, calling cards, COD points, at iba pa sa bagong battle pass ngayong season.
Premium Pass Tiers
Kapag nagpasya ka namang bumili ng Premium Battle Pass, makukuha mo din ang mga Operators tulad ni Gaz — iisa sa pinaka-iconic na myembro ng Task Force 141 team. Laruin hanggang sa Tier 50 para ma-unlock mo sina Alex: Hard Wired at Charly: Striker.
Mga bagong skins din ng baril ay ang ASM10: Snakeskin, Outlaw: Crash Course, Type 25: Bolt Press, at ang panibagong baril, ang JAK-12: Treecutter. Ang JAK-12 ay isang bagong shotgun na nilabas ng CODM ngayong season, at tiyak na meta na naman ‘yan ngayon.
Bagong Themed Event: Counter Intel
Sinakop ng mga terorista ang syudad ng CODM, at nasa saiyo ang trabaho para mailigtas ang mga hostage sa bagong epic event na ito. Kumpletuhin ang mga daily tasks sa Multiplayer at Battle Royale modes para makatanggap ng points. Makakakuha ka ng mga rewarsd tulad ng bagong Operators, Weapons Blueprints at iba pa kapag nagwagi ka sa event na ito para matanggap ang tatlong epic rewards, ang QXR: Gentleman’s Side Arm, Minotaur: Maze Keeper, at ang Charm: Nutcracker. Mayroong 13 rewards in total sa event na ito na maari mong makuha.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoDM.