Alam naman nating lahat na sa pag-buff ng mga paborito nating baril sa Call of Duty Mobile Season 2, may kaakibat din itong ners.  

Ito ang mga iilan sa mga nerfs sa mga baril sa Season 2 ng sikat ng FPS mobile game na ‘to. 

Take notes na, mga ka-CoDM. 

Anong baril ang mga na-nerf na baril sa Call of Duty Mobile Season 2? 

CODM Type 25 mga na-nerf na baril
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Type 25 

Dahil sa smooth trajectory at fast reload time ng Assault Rifle na ito, naging overpowered siya masyado noong nakaraang Season. Kaya oras na para ma-nerf itong malakas na baril na ito. 

Tumaas ang kaniyang hit flinch at bullet spread, at mas tumagal ang kaniyang reload time. In-adjust rin ng mga developers ang mga negabitong epekto nito sa kaniyang 42/46 magazine. 

CODM NA-45
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

NA-45 

Kilala bilang isang “cancer” na baril sa parehas na Multiplayer at Battle Royale modes, tiyak na ma-ne-nerf ang baril na ito sa Season 2. 

Bumaba ang kaniyang explosive radius at tumaas naman ang kaniyang fire interval. Kasabay niyan ay tumaas din ang kaniyang Light trigger fire. 

‘Wag ka masiyadong maging malungkot, dahil baka ma-balanse pa sa iyong pabor ang mga baril na ‘yan sa susunod na Season. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoDM.