May bagong shotgun sa Call of Duty Mobile, at oras na para mapaisip ka kung papalitanmo ba ang KRM-262, BY-15, at Echo loadouts mo.
Ano ba ang JAK-12 shotgun sa Call of Duty Mobile?
Ang JAK-12 na baril ay isang bagong shotgun na nilabas ng Call of Duty Mobile kasabay ng bagong Season 2 Task Force 141 Battle Pass.
Ang JAK-12 ay isang automatic shotgun na maikukumpara sa Echo ngunit mas mabilis ang fire rate nito.
Paano ma-unlock ang JAK-12 sa Call of Duty Mobile
Nasa Tier 21 ng free Battle Pass ang base version ng JAK-12. Ma-uunlock mo ito kapag umabot ka sa Tier na ito sa pamamagitan ng pagipon ng XP points mula sa paglalaro ng normal o ranked match sa Multiplayer o Battle Royale modes.
Kailangan abutin ng mga players ang max level nito para magamit ang lahat ng mga attachments para sa kani-kanilang loadouts.
Makukuha mo din ang JAK-12: Treecutter skin ng baril na ito kapag bumili ka ng kanilang Season 2 Task Force 141 Battle Pass.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at higlights tungkol sa CoDM.