Si Turner “Tfue” Tenney ang isa sa may pinakamalaking pangalan sa Twitch dahil sa kaniyang followers na papalit na sa 11 million. 

Una siyang sumikat bilang isang magaling na Fortnite player, ang patok na title ng Epic Games na nakatulong sa pagpauso ng mga battle royale. Simula noon, lumipat na siya sa Apex Legends at sinubukan pa ang Warzone, ngunit mayroon siyang masasabi tungkol dito. 

Tingin ni Tfue na ang Warzone ang pinakamadali at casual na battle royale 

Call of Duty Warzone Tfue
Credit: Activision

Hindi masyadong natuwa si Tfue sa Warzone dahil hindi daw ito masyadong mahirap. “Warzone is the most casual battle royale right now,” sabi niya. “It’s the easiest battle royale to play.” 

Ang mga kumento niya ay matapos nakipagtalo ang isang viewer na hindi daw isang casual game ang Warzone maliban sa Rebirth Island na mapa. 

Hindi tinatago ng streamer ang kaniyang nararamdaman para sa battle royale title ng Call of Duty. Noong nakaraang taon, sinabi niya na “too easy” ang laro kung ikukumpara sa mga katunggali nito. 
 

“If you suck at video games, you probably have the most fun playing that,” sabi niya. 

Ang Warzone ang pinakamadali pagdating sa mechanics kung ikukumpara sa Fortnite o Apex Legends. May intense na building mechanic ang Fortnite na marami ang nahihirapan gawin, habang kailangan mong galingan ang paglaro sa mga iba’t-ibang abilities at mga ‘di inaasahang movements sa Apex Legends. 

Hindi lang si Tfue ang bumatikos sa Call of Duty spin-off. Dati nang sinabi ni Michael “shroud” Grzesiek na masyadong “casual” ang laro, habang sinabi naman ni Nicholas “NICKMERCS” Kolcheff na ang Fortnite ang pinakamahirap na battyle royale sa lahat. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Warzone is the easiest battle royale right now, says Tfue.