Sa papalapit na second season ng Call of Duty Warzone Pacific, binabalik ng Activision ang isa sa mga pagbabago sa patok na battle royale game na ito.
Matapos ang community backlash noong Season 1, kinumpirma ng Warzone developer na Raven Software na babalik ang loadout drop timings sa orihinal na sistema sa Verdansk, kung saan maari itong bilhin sa mga Buy Stations sa kahit anong oras.
Sa unang season ng Warzone Pacific update, nag-implementa ang Raven Software ng bagong timing system kung saan maaring bilhin lamang ng mga players ang kanilang loadouts matapos ang unang free loadout drop.
Ang timing change na ito ay nagpabagal sa laro, dahil hindi makagamit ang mga players ng kanilang mga ninanais na loadouts nang mas mabilis at kinailangan pa nila gumamit ng ground loot para sa unang dalawang circles.
Binalik ng Call of Duty Warzone developer na Raven Software ang dating loadout drop timing sa bagong update
Ang bagong update na ito ay pinapayagan na makabili ang mga operators ng kanilang loadout markers sa kahit anong oras ng laro, at mas pabor ito sa mga players na gusto maging active at makaipon ng cash para sa $10,000 loadout marker.
Ngunit ang loadout drop timing update ay nasa standard Battle Royale modes lamang, at hindi maapektuhan ang Vanguard Royale.
Dahil kasama na ang Warzone sa main Vanguard title ng Call of Duty, sinabi ng Raven Software at Vanguard developer Sledgehammer Games na committed sila na makinig sa mga hinaing ng community.
Sa pagdating ng Season Two, ipagpapatuloy ng Activision ang kanilang “address gameplay optimization, balancing, game stability at bugs.”
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa update, maari mong basahin ang opisyal na blog post nila.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Warzone loadout drops are once again available to buy right away.