May bagong Sub-Machine Gun sa Call of Duty Mobile, at mukhang malalaos na ang sikat na Fennec dahil dito. 

Nilabas ng Call of Duty Mobile ang MAC-10 SMG kasabay ang paglabas ng Season 3 ng sikat na FPS game na ‘to. Ngunit paano nga ba siya makuha ng mga players? 

MAC-10 SMG sa Call of Duty Mobile, pantapat sa Fennec? 

Call of Duty Mobile Season 3 update
Credit: Activision

Ang MAC-10 ay isang bagong SMG na mas mabilis ang fire rate kaysa sa Fennec, at perpekto ito gamitin para sa mga gitgitang bakbakan sa mga masisikip na mapa. Mas madali rin ito kontrolin dahil sa kaniyang mataas na mobility. 

Ngunit ang kawalan sa MAC-10 ay mas mababa ang kaniyang bullet velocity at accuracy kung ikukumpara sa mga ibang SMGs. 

Maari itong bawiin ng mga players sa pamamagitan ng paglagay ng isang large-capacity dram magazine sa kani-kanilang mga loadouts. 

Maari mo itong ma-unlock sa pamamagitan ng pag-grind ng account mo patungong Tier 21 sa bagong Radical Raid battle pass. Maari mong makamit ang Tier 21 sa pamamagitan ng paglaro ng mga matches, Multiplayer man o Battle Royale mode.  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita ang gabay tungkol sa CoDM.