Nakatuon ang mga mata ng New York Subliners sa kinabukasan. Isa sa mga unang limang franchised team na sumali sa Call of Duty League, nandito ang NYXL-owned (dating kilala bilang Andbox) team para bumuo ng isang legacy. 

Pumasok ang NYSL sa 2022 CDL season na may mabangis na roster. Kasama ang mga legends tulad nina Ian “Crimsix” Porter at James “Clayster” Eubanks, parehas na three-time world champions, talagang dedikado manalo ang NYSL at talunin ang lahat. 

Ngunit hindi madaling mahanap ang isang panalo. Matapos ang isang mainit na simula sa pre-season CDL 2022 Kickoff Classic, nanghina ang team at muntikan nang mapunta sa dulo ng kompetisyon. Sa isang bagong YouTube vide series, dinala ng team ang mga fans sa likod ng camera para maipakita kung ano ang mga gagawin nila para makaakyat sa tuktok. 

Nandito ang New York Subliners para manalo 

Para kay Crimsix, personal ang season na ‘to. Kahit na siya ang pinakamahusay na player sa buong Call of Duty history dahil sa kaniyang 37 Major tournament wins at tatlong championship rings, matindi pa rin ang pagkatalo nila sa Dallas Empire (ngayon ay OpTic Texas) sa Call of Duty Championship 2021. 

“I got dropped the Sunday night of champs. I just felt so backstabbed by that,” sabi niya. Ngayon, nasa isang misyon para makahiganti ang 28-year-old na ito ngayon taon. 

Sa likod ng beteranong player ay ang tatlong mahusay na fresh talent: Paco “HyDra” Rusiewiez, Travis “Neptune” McCloud, at Paul “PaulEhx” Avila. Pinalitan ni PaulEhx si Clayster noong Marso at kinuha ang Flex position habang tinanggap naman ni Crimsix ang responsibilidad ng main AR. 

Simula noong pumasok si PaulEhx, lumago ang 19-year-old na si Neptune at naging isang killing machine. 

Mukhang isang panibagong team ang NYSL, at matapos ang hamon na hinarap nila sa simula ng 2022 season, wala na silang pupuntahan kundi ang langit. 

Sundan ang journey ng team sa kanilang video series “No Pressure” sa YouTube.