Project Aurora na ang codename para sa panibagong pakulo ng Activision para sa mga Battle Royale players ng Call of Duty

Call of Duty Project Aurora updates 

COD Project Aurora
Credit: Activision

Ayon sa Activision, nasa development pa rin ang laro at nasa kalagitnaan ito ng kaniyang unang gameplay test sa Project Aurora Closed Alpha. Ang Closed alpha ay limitado sa laki at dito nila papagandahin ang tuning, stress test matches, bugs, at kokolekta rin sila ng mga feedback o insights ng bagong laro. 

Maari ka lang makasama sa Closed Alpha kapag ika’y inimbita. Ngunit bubuksan ng Activision ito at magdaragdag pa sila ng mga players habang lumalago ang development nito. 

Hindi pa nagbibigay ng release date ang Activision ukol sa Project Aurora. 

“Trust us, we couldn’t be more excited about bringing this exciting experience to mobile gamers around the world, but we haven’t officially announced even the name yet and don’t have a release date to share at this time. We will have many updates and posts before then and we will eagerly share the release date once it is finalized,” sabi nito sa kanilang website. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.