Naghatid ng panibagong sniper ang Call of Duty Mobile sa paglabas ng Season 4. Ito ang Koshka, isang bolt-action sniper rifle na perpekto para sa mga mahilig sa long-range engagements sa mutliplayer o battle royale modes ng mobile FPS na ‘to. 

Koshka sniper rifle 

CODM Koshka sniper
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Ang bagong functional weapon na ito ay available sa free tiers ng Season 4 Wild Dogs Battle Pass. Ma-uunlock ito pagkamit mo ng Tier 21. 

Ngunit kung gusto mo makuha agad ito, maari kang bumili ng Premium Battle Pass 12-Tier Bundle, para siyam na lebel nalang ang kailangan mong I-grind para makuha ang bolt-action sniper na ‘to. 

Kapag na-unlock mo na ito, magiging permanente na ang Koshka sniper rifle sa iyong arsenal. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoDM.