Sa pagdating ng bawat bagong season ng Call of Duty Mobile, siyempre may panibago ring Battle Pass. At ang Train to Nowhere Battle Pass? Sulit na sulit.
Ano ang mga laman ng Train to Nowhere Battle Pass
Kasama sa bagong season ay ang mga panibagong baril tulad ng ZRG 20mm Sniper Rifle, Battle Royale class na Igniter, Multiplayer map at Perk.
Mga bagong Operators, baril, Weapon Blueprint, Calling Card, charm, COD points at iba pa ang makukuha mo sa 50-tier Train to Nowhere Battle Pass.
Ito ang mga rewards na makukuha mo sa pag-unlock ng mga Tiers sa bagong BP.
Libreng Pass Rewards
- Tier 14 – Igniter Battle Royale Class
- Tier 21 – ZRG 20mm bolt-action Sniper Rifle
- Tier 50 – Spider Chow Calling Card
Ito naman ang mga karagdagang rewards kung Premium Battle Pass ang kukunin mo.
Premium Pass Rewards
- Misty — Undercover (Operator Skin)
- Seraph — Double Agent (Operator Skin)
- Adler — Dapper (Operator Skin)
- M13 (Weapon Blueprint)
- CBR4 (Weapon Blueprint)
- S36 (Weapon Blueprint)
- M4 (Weapon Blueprint)
- ZRG 20mm (Weapon Blueprint)
Ang mga players na bibili ng Battle Pass ay makaka-unlock sa Park – Double Agent Operator skin, isang Backpack skin at ang sikat na AK-47 Weapon Blueprint na sakto para sa mga Battle Royale mains diyan.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty Mobile.