May mga kaunting detalye na ibinahagi ang Activision tungkol sa paparating na Call of Duty Warzone Mobile, na dati ay tawag na Project Aurora.
Call of Duty Warzone Mobile Updates
Matapos ang kanilang paglabas ng isang reveal trailer sa GameSport Swipe Mobile Showcase 2022, isinaad sa panibagong website nila na magkakaroon ng isang authentic Call of Duty gameplay ang laro na may 120-player lobbies at ‘shared progression.’ Kung ano man ang ibig sabihin niyan, abangan na lang natin sa kanilang susunod na anunsyo sa September 15.
Nakatala rin sa kanilang website na magkakaroon ng isang pre-registration deal para magkaroon ng pagkakataon maka-unlock ng rewards sa launch ng Warzone Mobile.
Excited ka na ba sa bagong Battle Royale game ng Activision?
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.