Ang DMZ ay isang bagong mode sa Call of Duty: Warzone 2.0 na humugot ng inspirasyon sa extraction-style games tulad ng Escape from Tarkov.

Ang goal dito ay mag-drop sa Al Mazrah, mag-loot at mag-stock ng items, at sabay lumabas. Malaki ang nakataya dito — mayroon ka lang isang buhay, at kapag ikaw ay namatay, mawawala ang lahat ng nakuha mo sa match.

Exfiltration ang ultimate endpoint para sa lahat ng players. Lahat ng weapons at mahahalagang items na makukuha mo ay mapupunta sa iyong storage at pwede mong dalhin sa susunod mong match para magkaroon ng bentahe.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman patungkol sa kung paano makatakas sa DMZ.


Eksplanasyon sa exfiltration sa DMZ ng Warzone 2.0

Screenshot ng Exfil symbol sa Tac Map sa DMZ mode ng Warzone 2.0.
Screenshot ni Wanzi Koh/ONE Esports

Maaari kang maglaro ng DMZ nang solo, duo, o squad na may tatlong manlalaro. May dalawang paraan para makatakas sa battlefield — ang pinakadiretsong paraan ay ang pagtungo sa isa sa mga extraction points sa mapa.

Minamarkahan ang mga ito ng blue exit symbol ng isang taong tumatakbo papunta sa isang pinto. Maraming exfiltration points sa kahit anong punto sa laro, kaya pwede mong piliin ang pinakamalapit sa iyong lokasyon.

Pwede kang tumawag ng helicopter sa exfiltration point. Pagkatapos ng halos isang minuto, dadating ang helicopter at magsisimula ng 30-second countdown timer. Aalis ang chopper kapag naubos na ang timer, nakasakay ka man o hindi.

Gayunpaman, kapag nag-activate ka manually ng extraction point, mamamarkahan ito sa Tac Map ng lahat ng ibang squads. Makikita nila ang loot na susubukan mong i-extract, partikular na ang bagong M13B assault rifle na kasalukuyang makukuha lang sa pamamagitan ng pagtalo sa Chemist.

Chemist sa DMZ mode ng Warzone 2.0
Credit: The Gaming Merchant

Sa pagkakataong ito, dudumugin ng AI combatants ang area para pigilan ang iyong pagtakas. Kapag naka-survive ka, makakasakay ka sa helicopter at makakaalis.

Limitado lang ang extraction points sa isang DMZ match. Kapag nagamit na ito lahat, isang final site ang mamarkahan. Maaaring matindi ang bakbakan sa last site dahil magsasagupaan ang players para makasakay sa huling chopper.

Random din ang exfil points, kaya kailangan mong mag-isip nang mabilis dahil maaaring paiba-iba ang daan mo palabas sa bawat match.


Paano mag-exfil gamit ang Hostage Rescue contract

Screenshot ni Wanzi Koh/ONE Esports

Isang paraan din para makatakas ang Hostage Rescue contract. Maaari mo itong ma-activate sa pamamagitan ng paghanap sa light green na radyo na may simbolong posas sa iyong Tac Map.

Bibigyan ka ng trabaho na i-rescue ang isang hostage sa isang naka-lock na building at pag-deactivate ng explosive collar sa leeg ng hostage sa loob ng isang time limit.

Kapag naligtas mo na ang hostage, kailangan mo siyang dalhin sa helicopter. Ang helicopter na ito ang gagamitin niyo para makaalis sa DMZ.

Magandang gawin sa huli ang Hostage Rescue contract. Nagbibigay ito ng mas ligtas at mas reliable na paraa ng extraction para makatakas kasama ang iyong mahahalagang loot.

Para sa marami pang guides patungkol sa Call of Duty: Warzone 2.0, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.