Binago ng Call of Duty: Warzone 2.0 ang pamilyar na battle royale sa pamamagitan ng bagong 2v2 Gulag at posibilidad ng maraming circle.

Maliban dito, mayroon ding bagong extraction-style DMZ mode kung saan ang mga manlalaro ay ii-infiltrate ang Al Mazrah, maghahanap ng loot, at susubukang maka-survive hanggang exfiltration.

Nagbibigay ang parehong game mode ng bagong paraan para makipag-interact sa mga kalaban gamit ang Proximity Chat. Ang bagong feature na ito ay mahalaga para sa pakikipag-team up sa mga kalaban pagdating sa Gulag para patumbahin ang Jailer, o siguraduhin na masusunod ang assimilation sa DMZ.

Ganito i-turn on ang Proximity Chat sa laro.


Paano i-turn on ang Proximity Chat sa Warzone 2.0 at makipag-usap sa iyong mga kalaban

Credit: Activision Blizzard

Para ma-activate ang bagong feature na ito, sundin ang mga sumusunod:

  1. I-click ang Settings cogwheel at piliin ang Audio.
  2. Magpunta sa Voice Chat segment at hanapin ang Proximity Chat setting. Siguraduhing naka-set ito sa On.
  3. Siguraduhin din na naka-set sa On ang Voice Chat. Piliin kung gusto mong gumamit ng Push To Talk o Open Mic sa ilalim ng Voice Chat Recording Mode.

Kapag in-game ka na, maririnig ka ng mga players na malapit sa lokasyon mo kaya pinili mo ang Open Mic. Kung gumagamit ka naman ng Push To Talk, kailangan mo munang pindutin ang keybind para dito.

Makakatulong ito lalo na sa Gulag kung saan pwedeng mag-request ang players na makipagtulungan sa kalabang koponan para talunin ang Jailer at parehong makatakas.

Pwede rin itong gamitin sa DMZ para makipagpakampihan sa mga kalaban upang makumpleto ang mga objectives o missions.

Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Gayunpaman, batid ng Activision Blizzard ang potensyal ng feature na ito na maabuso. Mahigpit na ipapatupad ang anti-toxicity rules, ani nito sa isang blog post. Mayroon din bagong in-game reporting system na ilalabas para ma-flag ang mga masasamang manlalaro.

Kapag napatunayang inaabuso ng isang manlalaro ang voice chat, papayagan ng system ang moderation team na i-mute ang player na ito globally mula sa lahat ng in-game voice chat features.

Para sa mga guides patungkol sa Call of Duty: Warzone 2.0, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito mula sa akda ni Wanzi Koh ng ONE Esports.