Ang Victus XMR sniper rifle ay isa sa apat na bagong weapons na darating sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2 sa Season 1, kasama ang BAS-P SMG, M13B, at Chimera assault rifles.

Ito ngayon ang longest-range sniper rifle sa laro, daig pa ang MCPR-300 at Signal 50, kaya naman saktong-sakto ang pagdating nito para sa bagong mapa ng Warzone 2.0 na Al Mazrah.

Narito kung paano i-unlock ang Victus XMR nang libre sa Season 1.



Paano i-unlock nang free Victus XMR gamit ang Season 1 battle pass

Paano i-unlock ang Victus XMR sniper rifle sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Ang Victus XMR ay isang bolt-action sniper rifle na may .50 caliber BMG ammunition, kaya’t nasa pareho itong class ng Signal 50.

Ang pinakamagandang parte ng baril na ‘to ay ang default scope, kung saan tampok ang red dot na makatutulong para matantsya ang bullet drop. Importante ito sa Al Mazrah, kung saan pang malayuan ang karamihan ng laban.

Ang naturang sniper rifle ang High Value Target (HVT) reward sa Sector A7 ng Season 1 battle pass. Para ma-unlock ‘to, kailangan makumpleto ang buong sector, kasama na ang apat na base rewards nito.

Gayunpaman, kailangan rin makumpleto ang sectors A1, A2, at A4. Ang tatlong sectors na ‘to ang pinakamaiksing path para ma-unlock ang Victus XMR, kahit pa maaari mo rin itong makuha sa kalapit na sector gaya ng A8 at A11.

Kakailanganin din ng hindi bababa sa 20 Battle Token Tier Skips, na maaari namang makuha sa paglalaro.

Kung hindi mo man makuha ang Victus XMR sa battle pass, maaari pa rin itong makuha sa in-game challenge sa susunod na season.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Best audio settings para marinig ang footsteps sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2