May bagong Gunsmith at attachment system sa Modern Warfare 2. Imbes na i-unlock ang parehong attachment nang paulit-ulit para sa iba’t-ibang baril, maaari nang i-unlock para sa bawat weapon ang sarili nitong set ng attachements.

Akma para sa lahat ang ibang attachments at maaari na itong gamitin para sa ano mang weapon ‘pag na-unlock na. Pero ibig sabihin din nito na kailangan mong gumamit ng baril na maaaring hindi ka ganoon ka-interesado ipa-level up para lang makuha ang isang attachment.

Narito ang best muzzle attachments sa laro at kung paano ito i-unlock, mula sa YouTuber nasi TheXclussiveAce.



Paano i-unlock ang best muzzle attachments sa Modern Warfare 2?

Nakatuon ang muzzle attachments na ‘to sa pag-improve ng recoil control, partikular na ang vertical recoil.

Bagamat mas mahirap kontrolin ang horizontal recoil kumpara sa vertical recoil, karamihan ng mga baril sa Modern Warfare 2 ay nagsisimula na may vertical kick, kaya mas mainam na gumamit ng attachments na nag-aayos ng vertical movement.

XTEN Ported 290

Ang best muzzle attachments na pwedeng i-unlock sa Modern Warfare 2
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang XTEN Ported 290 ay nagbibigayng vertical recoil kapalit ang aim down sight speed at aiming stability. Gayunpaman, ang mga pagkukulang nito ay maaaring punan ng ibang attachmentsgaya ng lasers o underbarrels.

Ginagamit ito sa mas malawak na range ng weapons sa laro, kaya mas magandang unahin ‘to sa mga muzzle attachments na ia-unlock mo.

Paano i-unlock

  1. Maka-abot sa military rank 41 para ma-unlock ang STB 556 assault rifle.
  2. Ipa-level ang STB 556 sa level 20 para ma-unlock ang HCR 56 LMG.
  3. Ipa-level ang HCR 56 LMG sa level 16 para ma-unlock ang XTEN Ported 290 muzzle.

Tempus GH250

Ang best muzzle attachments na pwedeng i-unlock sa Modern Warfare 2
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Parehong-pareho na sana Tempus GH50 at XTEN Ported 290, ang pinagkaiba lang ng dalawa ay ang weapon compatibility. Kung sa mga weapon gaya ng M4 at Kastov-74U nasasalpak ang XTEN Ported 290, sa Kastov 762 naman maaaring gamitin ang Tempus GH250.

Ang mga baril gaya ng Kastov 762 ay may mataas na vertical recoil kaya’t malaking tulong ang muzzle attachment na ‘to para mapadali ang tutok sa mga kalaban.

Paano i-unlock

  1. Maka-abot sa military rank 19 para ma-unlock ang TAQ-56 assault rifle.
  2. Ipa-level ang TAQ-56 sa level 11 para makuha ang TAQ-V battle rifle.
  3. Ipa-level ang TAQ-V sa level 14 para ma-unlock ang Tempus GH50 muzzle.

XRK Sandstorm

Ang best muzzle attachments na pwedeng i-unlock sa Modern Warfare 2
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang mga SMG gaya ng Lachmann Sub ay hindi pwedeng gamitan ng XTEN Ported 290 o Tempus GH50. Sa halip, meron itong XRK Sandstorm, na nakatuon din sa vertical recoil control.

Hinid man kasing importante ang recoil control sa SMG, kumpara sa assault rifles, dahil sa mas malapit na distansya ang pakikipagbakbakan gamit ito, pero nakatutulong pa rin ito sa overall handling at reliability ng baril.

Paano i-unlock

  1. Maka-abot sa military rank 25 para ma-unlock ang Fennec 45 SMG.
  2. Ipa-level ang Fennec 45 sa level 10 para ma-unlock ang XRK Sandstorm muzzle.

XRK Kraken

Ang best muzzle attachments na pwedeng i-unlock sa Modern Warfare 2
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Iilang weapon lang ang maaaring kabitan ng XRK Kraken, pero isa na dito ang RAAL MG, na kinikilala bilang ang pinakamagandang LMG sa Modern Warfare 2.

Ang RAAL ay may nakamamanghang time-to-kill na 108ms nang hanggang sa 41 metro, isa sa pinakamababa sa laro. Kung lalagyan pa ng XRK Kraken para mapa-amo ang recoil nito, mag-a-a la laser beam na ang RAAL, kahit pa sa long range.

Paano i-unlock

  1. Maka-abot sa military rank 7 para ma-unlock ang SP-R 208 marksman rifle.
  2. Ipa-level ang SP-R 208 sa level 13 para ma-unlock ang SA-B 50 marskman rifle.
  3. Ipa-level ang SA-B 50 sa level 16 para ma-unlock ang LA-B 330 sniper rifle.
  4. Ipa-level ang LA-B 330 sa level 17 para ma-unlock ang SP-X 80.
  5. Ipa-level ang SP-X 80 sa level 11 para ma-unlock ang XRK Kraken muzzle.

Sakin Tread-40

Ang best muzzle attachments na pwedeng i-unlock sa Modern Warfare 2
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

May dagdag kontrol sa horizontal recoil ang Sakin Tread-40 at magandang muzzle attachment din to para sa mga weapon na may side-to-side sway.

Paano i-unlock

  1. Maka-abot sa military rank 41 para ma-unlock ang STB 556 assault rifle.
  2. Ipa-level ang STB 556 sa level 4 para ma-unlock ang Sakin Tread-40.

May dalawang versions ng Sakin Tread-40. Bagamat pareho ito ng pangalan, kailangan pang ipa-level ang RAPP H LMG sa level 14 para ma-unlock ang attachment para sa lahat ng baril.


Bruen Pendulum

Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang Bruen Pedulum ay ang SMG version ng Sakin Tread-40. Solid itong ipares sa mga weapon gaya ng Vaznek-9K, para sa isang baril na kayang lumusaw ng mga kalaban sa close range.

Paano i-unlock

  1. Maka-abot sa military rank 5 para ma-unlock ang PDSW 528 SMG.
  2. Ipa-level ang PDSW 528 SMG sa level 29 para ma-unlockang Bruen Pendulum muzzle.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Warzone 2.0 download para sa PC: File size, system requirements