May bagong battle pass system na ipinakikilala ang Infinity Ward para sa Season 1 ng Modern Warfare 2 at Warzone 2.0.
Sa halip na horizontal, linear progression, ang Season 1 battle pass ay nasa anyo ng isang mapa na may iba’t ibang sectors, kung kaya’t maaari kang mamili kung paano mo gustong umabante at anong rewards ang gusto mong kunin.
Higit sa lahat, dinisenyo ito upang maging mas “engaging,” ayon sa Senior Producer na si Dino Verano. Ang layunion nito ay bigyan ng control ang player sa landas na nais niyang tahakin sa battle pass, hindi tulad ng naranasan sa mga nauna.
Iba’t ibang klaseng mga rewards ang makukuha kabilang na ang mga weapons, blueprints, Operator skins, Call of Duty points, at iba pa. Tampok sa base battle pass ang 20 free items, kabilang ang bagong BAS-P SMG at Victus XMR sniper rifle, ngunit maaari kang makakuha ng mahigit 100 kung mag-upgrade ka.
Paano umusad sa Modern Warfare 2 at Warzone 2.0 Season 1 batle pass
Ang Season 1 battle pass ay nahahati sa 21 Combat Sectors mula A0 hanggang A20. Ang mga Sectors A1 hanggang A20 ay konektado sa isa’t isa, habang ang A0 naman ay isang bonus sector.
Ang pagkumpleto sa bawat sector ay magbubukas ng katabi nitong sector, na susi sa pag-abante sa battle pass. Ang bawat sector ay may 5 rewards, na binubuo ng apat na base rewards at isang High Value Target (HVT). Ang HVT ay maaring isang Operator, weapon blueprint, vehicle skin, o COD points.
Ang pinakaunang HVT na pwedeng ma-unlock ay ang Orbiter weapon blueprint sa Sector A1. Kabilang sa ibang mga items sa sector ang Aerial Entrance calling card, double XP token, ang Hired Sniper emblem, at ang Paying Rent weapon charm.
Ang lahat nang items ay nangangailangan ng Battle Token Tier Skip upang ma-unlock. Makakakuha ng Battle Token Tier Skips sa pamamagitan ng simpleng paglalaro lang ng game, katulad ng mga tiers sa dating system. Kung um-order ka ng Vault Edition ng Modern Warfare 2, ang iyong 50 tier skips ay mako-convert sa 50 Battle Token Tier Skips.
Gamit ang mga tokens na ito, pwede kang mamili kung anong mga items ang gusto mong unahin i-unlock, kung kaya’t kontrolado mo ang pag-usad mo sa battle pass. Maaari mo lang ma-access ang HVT pag na-unlock mo na ang apat na base rewards sa isang Sector.
Maaari kang makakuha ng hanggang 100 Battle Token Tier Skips sa loob ng isang season. Automatic na magagasta sila dulo ng season kapag hindi ka namili ng Sector items na gusto mong i-unlock.
Ang mga players na bumili ng battle pass ay pwedeng i-unlock ang A0 Bonus Sector, kasama ang unang Operator ng season na si Zeus. Namula pa sa South Niger Delta, si Zosar Kalu ang panganay sa tatlong magkakapatid. Tumulong siyang magpalaki sa kanyang mga nakababatang kapatid habang ang kanyang mga magulang naman ay pumasok sa politika. Ang kanyang palayaw ay nagmula sa kanyang pinakabatang kapatid na lalake, na ipinanganak na may dysarthria (isang speech disorder) na binibigkas ang kanyang pangalan na “Zeus.”
Ang bonus sector ay may kasama ring apat na karagdagang items: isang 10 percent battle pass Boost, ang Myth Maker SMG weapon blueprint, ang Articulate Response sidearm weapon blueprint, at ang Chronophobia Gun Screen.
Ang Guns Screen ay isang bagong customization feature kung saan maaaring magkabit ng isang widget s iyong weapon, tulad ng isa na nagsasabi ng oras at petsa sa tunay na buhay.
Kapag na-unlock mo na ang lahat nang Combat Sectors (pwera sa A0), magbubukas ang isang Victory Sector na may lamang mas magagandang cosmetics at COD Points.
Sa Victory Sector ay maaaring ma-access ang Olympus King Zeus Operator skin, tampok ang isang gold-plated na variant ng kanyang signature helmet at maraming golden accessories.
Merong kabuuang 1,400 COD Points na maaaring makuha kung bibili ka ng battle pass at kukumpletuhin ito – sapat upang makabili ng susunod na battle pass.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.