Nagpakitang gilas ang ARP Gaming sa Call of Duty: Mobile North America Regional Playoffs.
Pumasok ang undefeated na ARP squad sa isang potensyal na two-part final series laban sa NYSL Mayhem, ang unang seed as tournament qualifier.
Noong nagtuos ang dalawa noon, nagresulta ito sa panalo ng ARP. Bagamat nahulog sa losers brakcet ang NYSL Mayhem, nakaakyat sila muli sa pamamagitan ng isang consistent na playstyle.
Nasungkit ng NYSL Mayhem ang isang grand final reset sa isang sweep, at dahil dito, naiisipan ng karamihan na alam na nila ang galawan ng kanilang karibal.
Hindi napigilan ang ARP Gaming sa kanilang misyon na mapatunayan na sila ang pinakamahusay na Call of Duty: Mobile team sa NA.
Ang mahalagang snipe ni ItzMago sa Call of Duty: Mobile North America Regional Playoffs
Ang parehong teams ay naglaro nang slow-paced sa Search & Destroy mode sa Hackney Yard na mapa.
Ngunit sa huling round, lumamang ang ARP Gaming sa pamamagitan ng isang delayed na A site rotation. Dahil maikli na lang ang oras ng LittleB para mag-plant ng bomba, nakahanap si ItzMago ng isang perpektong snipe para makuha ang kanilang unang panalo sa North America Regional Playoffs reset.
Ang triple cap ni Xia sa Domination laban ang NYSL Mayhem
Mas nakita ang malakas na performance ng ARP sa pangatlong laro na Domination. Pinangunahan ito nina Xia at Pepe sa kanilang mga kritikal na crossfires para makakuha ng kontrol sa point takeovers.
Sa pangalawang kalahati ng match, dinagdagan ni Xia ang kanilang score sa pamamagitan ng pagkuha ng mabilisang triple cap, kung saan na-kontrol nila ang lahat sa tatlong points sa mapa.
Naging isang epektibong stratehiya ito para sa kanila, dahil napilitang kunin ng NYSL Mayhem ang A point at mag-spawn sa mahinang parte ng mapa.
Dahil mayroon silang kontrol sa isang control point, nagkaroon ng isang consistent na point flow ang ARP Gaming na nagresulta sa kanilang winning score na 150.
Gumamit ang ARP Gaming ng dalawang Death Machines at isang XS1 Goliath para makuha ang panalo sa North America Regional Playoffs
Alam ng ARP Gaming na masusungit nila ang series win hangga’t maisagawa nila ang maayos na takeovers sa isang Hardpoint game para sa championship point.
Bagamat napitas ng NYSL Mayhem ang lead ng ARP sa single digits sa Store, nilusob ni ItzMago ang hardpoint para sa isang mabilisang contest.
Kahit na namatay si ItzMago sa mga staircase campers, na-wipe out naman ni Xia at ng buong team ang NYSL Mayhem papalabas ng Store, at nahawakan nila ang ground floor sa kanilang dalawang Death Machines hanggang sa nag-expire na ang hardpoint.
Ilang punto nalang para makamit ang panalo sa North America Regional Playoffs, nagisip ng maaga ang ARP Gaming at pinuntahan agad ang susunod na hardpoint, ang Warehouse.
Naging isang kritikal na factor si JesusSaves sa huling minuto ng laro matapos niyang I-deploy ang kaniyang XS1 Goliath, at ito ang naging ultimate weapon laban sa NYSL Mayhem.
Nagpalitan ng kills si Pengy at ang boys sa ground floor habang kinuha ni JesusSaves ang hardpoint sa itaas gamit ang kaniyang Goliath. Dahil walang nakapag-contest ng hardppint, nasungkit ng ARP ang huling batch ng points at ang isang deserved na panalo.
Naguwi ng cash prize na US$15,000 ang ARP Gaming dahil sa kanilang panalo sa Call of Duty: Mobile North America Regionals Finals.
Irerepresenta ng team ang NA region kasabay ang NYSL Mayhem sa Call of Duty: Mobile World Championship 2021.
Sundin ang ONE Esports Facebook para sa karagdagang Call of Duty na balita, guides, at highlights.