Ang Call of Duty: Mobile World Championship 2021 ang huling stage para sa mga pinakamamagaling na operator sa buong mundo.

Ngayong konti na lang ang mga natitirang kompetisyon sa Stage IV, ang mga koponan mula sa pitong rehiyon ay tinatarget na makasali sa 16 teams na magbabakbakan sa international tournament.


Regional slots sa Call of Duty: Mobile World Championship 2021

Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Ang mga rehiyon na North America, Europe, Latin America at South Asia & Middle East ay may tigta-tatlong slots. Ang mga koponan ay makaka-qualify sa pamamagitan ng Mobile Masters at Regional Finals.

Ang Southeast Asia at Japan naman ay may tig-isang ticket patungo sa World Championship para sa kanilang Regional Finals champion.

Ang China ay may dalawang seeds at ang magrerepresenta sa naturang rehiyon ay magmumula sa CN Masters Cup.


Mga koponan na kasali sa Call of Duty: Mobile World Championship 2021

REHIYONKOPONAN
ChinaTBD
TBD
EuropeNova Esports
TBD (August 19)
TBD (August 19)
Garena (SEA)TBD (October 10)
JapanSCARZ
Latin AmericaZygnus Esports
SKADE
Full House Gaming
North AmericaTribe Gaming
ARP Gaming
NYSL Mayhem
South Asia & Middle EastTeamIND
Team Vitality
Revenant Esports

(Ia-update)

Ang Call of Duty: Mobile World Championship 2021 ay may US$2 million (halost P100 million) na prize pool.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa torneo, bisitahin ang kanilang official site.

Hango ito sa orihinal na artikulo ni Joseph Asuncion ng ONE Esports.