Hinahanda na ng Activision ang final competitive circuit ng Europe, ang Call of Duty Mobile EU Finals 2021. 

Habang nasungkit na ng Nova Esports ang unang slot ng rehiyon matapos manalo sa EU Mobile Masters season, ang mga natitirang teams sa rehiyon ay maglalaban-laban para sa isang pagkakataon mairepresenta ang Europe sa World Championship 2021.

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Ito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa Call of Duty Mobile EU Finals 2021, kasama na ang schedule, format, teams at kung saan ito pwede panoorin.

Ano ba ang Call of Duty Mobile EU Finals 2021? 

Ang Call of Duty Mobile EU Finals 2021 ay pangalawang European regional qualifier para sa Call of Duty: Mobile World Championship 2021. 

Ang dalawang top teams ng tournament ay mag-rerepresenta sa Europea sa World Championship bilang pangalawa at pangatlong regional seeds kasabay ang Nova Esports.
 

Call of Duty Mobile EU Finals 2021 schedule at resulta 

Gaganapin ang EU Finals mula September 18 hanggang 20. 

(To be updated) 

Format ng tournament
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Walong teams ang maglalaban-laban sa isang double-elimination tournament sa isang best-of-five matches.

Teams na lalahok sa Call of Duty Mobile EU Finals 2021 
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

The EU Finals ay magsasama ng walo sa pinakamagaling teams mula sa EU Qualifier: 

  • BK ROG Esports 
  • Alternate 
  • Oxygen Esports 
  • Ranked Warriors 
  • STMN Esports 
  • LegacyEU 
  • Anarchy 
  • Tragik Esports 
Call of Duty Mobile EU Finals 2021 prize pool 

Mayroong USD$50,000 prize pool ang Call of Duty Mobile EU Finals 2021 na mahahati-hati sa lahat ng participants ng tournament. 

Ang mga finalists ay makakasama rin bilang huling dalawang EU representatives sa Call of Duty Mobile World Championship 2021. 

  • 1st: US$15,000 
  • 2nd: US$10,000 
  • 3rd: US$8,000 
  • 4th: US$5,000 
  • 5th-6th: US$3,500 
  • 7th-8th: US$2,500 
     
Call of Duty Mobile EU Finals 2021

Maaring panoorin ng mga CoD:Mobile fans ang mga matches live sa YouTube page ng Call of Duty Mobile Esports.

Sundin ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty, gabay, at highlights.