Isa sa mga controller gods ng Warzone ang streamer na si Zack “ZLaner” Lane, ngunit hindi pa siya sikat noong hindi pa nilalabas ang Call of Duty battle royale game.

Sa isang stream, ipinaliwanag ni Z ang mga paghihirap niya sa kaniyang streaming career at kung ano ang nagudyok sa kaniya para subukan ang Warzone noong 2020.

Sinimulan ni ZLaner ang kaniyang streamer career sa Fortnite bago lumabas ang Call of Duty Warzone

ZLaner
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Sinimulan ni ZLaner ang kaniyang streaming career sa isa pang sikat na battle royale game title, ang Fortnite. Bagamat may hilig siya sa mga unique mechanics ng Fortnite, nabanggit ni Z na hindi talaga ito para sa kaniya.

Sa kaniyang paglaro ng mga nakakapagod na mech meta ng Fortnite habang sinusubkan ang iba pang battle royales tulad ng Apex Legends, handa na si Z na mag-commit sa isang title lamang.

“I was burnt out from Fortnite six to eight months before I stopped playing the game,” sabi niya. “But I stuck with it and kept grinding until another game came along that really piqued my interest.”

Ano ba ang dapat paghandaan ng mga streamers pag lumipat sila ng game titles? 

ZLaner
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Sa paglabas ng Call of Duty Warzone noong 2020, nahanap na din ni ZLaner ang laro na paglalaanan niya ng oras.

Bilang isang diehard CoD fan, naramdaman ng streamer na pamilyar na teritoryo na ang Warzone na mayroong bagong mechanics, at naisip niya na ito na ang “the one” para sa kaniya.

Kapag lilipat ng game titles, nabanggit ni Z ang “harsh truth” na magkakaroon ng kaonting pagbaba ng viewership. May tsyansa na nanonood lamang ang mga viewers para sa laro, at hindi para sa content creator.

Bagamat nagdalawang-isip siya dahil bumaba ang kaniyang viewership, pinanindigan niya ang kaniyang desisyon at sa huli, lumagpas pa ang mga views niya kaysa noong isa pa siyang Fortnite streamer.

“I’m very happy about it, but it’s a very stressful decision to make that you have to put a lot of thought into,” sabi ni ZLaner.

Maari mong panoorin ang buong paliwanag ni ZLaner tungkol sa kaniyang paglipat sa Call of Duty Warzone dito: 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang streaming news at highlights.