Mula sa mga Doritos commercials patungo sa mga first-place finishes, ang Nuke Squad ng FaZe clan ang isa sa pinaka-successful na squads sa Call of Duty Warzone, ngunit paano kaya nila ginagastos ang kanilang mga sahod?
Sa isang video, pinakita ni Kris “Swagg” Lamberson at ang tropa niya kung paano nila ginastos ang una nilang US$10,000.
Ginastos ng Nuke Squad ang kanilang sahod sa mga damit
Noon sila pa ay sumisikat pa lang bilang gaming streamers, sinubukan ng mga FaZe Clan members na I-level up ang kanilang aesthetic.
Ginastos ni Dante “Santana” ang una niyang US$10,000 paycheck sa isang biglaang shopping spree sa Rodeo Drive. Bumili si Santana ng isang royal blue Vlone Friends t-shirt kasabay ang isang Nike Air Jordan I Highs para sa isang magarang fit sa FaZe Academy photoshoot.
Nagkaroon naman ng buyer’s remorse ang streamer na si Eean “Booya” Chase. Bumili siya ng 2-3 na pares ng Adidas Yeezy’s, ngunit dalawang beses lang niya ito nasuot.
Binenta din niya ang mga sapatos at ngayon ang suot na niya ay ang mas simplens sapatos tulad ng Nike Air Max.
“It’s a good learning point to not spend it on things that you don’t need,” sabi ni Booya ng FaZe Clan tungkol sa sahod niya. “It also doesn’t hurt to spend and find out that you don’t like it.”
Ngunit ang pinaka-stylish sa Nuke Squad ay si Swagg, matapos niya magbayad ng down payment para sa isang kotse, at ang kaniyang pagbili ng Balenciaga Speed sneakers, at isang Gucci messenger bag at jacket.
Ngunit sinabi din ng FaZe Clan streamer na ito na bihira lang niya gamitin ang mga Gucci items at pinayuhan ang lahat na bumili ng mga bagay na ginagamit mo araw-araw tulad ng sapatos o kotse.
Ang importansya ng pag-invest sa sarili at ang kaniyang pagmamahal sa sneakers, ayon kay JSmooth
Si Jordan “JSmooth” Cox ang pinaka-mahilig sa sneakers ng Nuke Squad, matapos niyang gastusin ang kaniyang unang US$10,000 na paycheck sa tatlong pares ng sneakers: Adidas Yeezy Boost 350 Zebra, Nike Air Jordan 11 Low, at Nike Air Jordan IV Retro University Blue.
Maliban sa mga sapatos, nagpa-upgrade din si JSmooth ng kaniyang gadgets, tulad ng isang iPhone 12 at isang brand new US$3,000 gaming PC.
“If you are a gamer or streamer and you actually need a new PC or controller, invest in yourself, but then on the side, make sure you always save,” payo ni JSmooth.
Ang mga dream cars ng Nuke Squad members
Ibinahagi din ng Nuke Squad ang kanilang mga kotse ngayon at mga dream cars nila.
Marami nang namaneho na kotse si Santana. Nagsimula siya sa Honda SUV at isang Mazda 3, pero ngayon isang Dodge Challenger HEMI V8 na ang kaniyang minamaneho. Nagpakita din siya ng interes sa BMW M3.
Para kay JSmooth naman na gustong mag-upgrade ng kaniyang pangalawang Honda Civic, minamata na niya ang isang Mercedes AMG GT 63 S.
Bagamat mayroon na siyang mga kotse sa garahe niya, pinakita ni Swagg ang pinakaunang kotse na nabili niya, isang black-on-black Chrysler 300, at dagdag pa niya, ito ay inspired sa tatay ni JSmooth.
Maari mong panoorin ang full Nuke Squad video nina Booya, JSmooth, Santana, at Swagg dito:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.