Minsan rapper, isang Call of Duty Warzone star, at ngayon, isang aktor?
Ang streamer na si Kris “Swagg” Lamberson ang bida sa bagong trailer ng “The Haunting” event ng Call of Duty Warzone.
Nakatanggap ng isang misteryosong tawag habang naglalaro ng Call of Duty Warzone
Sa kanilang kolaborasyon sa paparating na pelikula, ang “Scream”, nagdagdag ng isang nakakatakot na twist ang Activision sa pagbabalik ng Halloween event ng Call of Duty, ang The Haunting.
Sa halip ng karaniwang gameplay at scare tactics, all-in ang ginawa ng Call of Duty at ginaya ang isang classic na eksena mula sa Scream franchise.
Bumida si Swagg bilang isang araw-araw na CoD player na naglalaro sa Verdansk.
Habang suot-suot ang kaniyang FaZe Clan attire, sinagot ng streamer ang kaniyang telepono ng madaling araw, at nakarinig ito ng nakakagimbal na boses ng slasher icon na si Ghostface.
Naranasan ng FaZe Clan streamer ang sindak ng The Haunting
Ang cinematic aspect ng trailer ang nagsilbing perkpetong build-up para sa The Haunting event. Sa paghalo nito ng gabi-gabing gaming sessions sa mga in-game spooks ng Call of Duty, baka mapabukas ka ng ilaw mo sa lagay na ‘to.
Bagamat nakita niya si Ghostface sa CoD battle royale na may hukbo ng multo, hindi naapektuhan si Swagg, at sinagutan pa ito ng gaming lingo.
“Am I getting trolled right now?” sagot ni Swagg.
Naging mas nakakatakot ang eksena noong binaba ni Ghostface ang tawag at nakita ni Swagg na bukas ang kaniyang pintuan.
Panoorin ang paghaharap ng FaZe Clan streamer kay Ghostface sa trailer dito:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.