Heads up, mga Call of Duty Mobile fans!
Naganunsyo na ang Activision ng opisyal na format ng Call of Duty Mobile World Championship 2021 Finals.
Habang umasa ang mga fans at analysts ng all-out LAN setting, nagpasya ang Activision na I-host ang final tournament sa isang online format para sa kaligtasan ng mga regional teams.
Binunyag na ng Call of Duty Mobile World Championship 2021 ang format nito para sa final event
“As always, we put the safety and well-being of our players first. The Call of Duty: Mobile Stage 5: World Championship Finals will be broken up into two finals events,” sinulat ng Activision sa kanilang tournament website.
Bagamat karaniwang na ang online format sa competitive circuit, ito ang kauna-unahang beses na makakakita tayo ng cross-regional competition sa Call of Duty Mobile World Championship.
Ang Call of Duty Mobile World Championship 2021 ay magkakaroon ng two-day finals na gagamit ng bagong format.
Ang unang araw ng bawat final ay magkakaroon ng 12-team round robin format para malaman ang top four teams na aabante sa susunod na araw.
Magkakaroon naman ng double-elimination bracket sa pangalawang araw para malaman ang world champions ng Call of Duty Mobile 2021 season.
Mas maraming teams ang lalahok sa bawat tournament
Dahil nahiwalay sa dalawang regiona levents ang mga seeded squads, naghatid ng mas maraming teams ang Activision para sa kompetisyon.
Stage 5: Western Finals: December 4 to 5
REGIONS | TEAMS |
North America | 3 NA Stage 4 Qualified Teams 1 NA CODM Masters Qualified Team |
Latin America | 4 LATAM Stage 4 Qualified Teams |
Europe | 3 EU Stage 4 Qualified Teams 1 EU CODM Masters Qualified Team |
Stage 5: Eastern Finals: December 11 to 12
REGION | TEAMS |
South Asia and the Middle East (SAME) | 4 SAME Stage 4 Qualified Teams |
Japan | 2 Japan Stage 4 Qualified Teams |
Southeast Asia (Garena) | 3 Garena Qualified Teams |
China | 3 China Qualified Teams |
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Call of Duty Mobile World Championship 2021, puntahan ang kanilang opisyal na site.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CODM.