Ang streamer na si Aydan Conrad ay isang titan sa Call of Duty Warzone competitive scene. Sa kaniyang mga matinding performances sa nakaraang dalawang taon, magkano na nga ba ang naipon niya sa pro play?
Sa kaniyang US$173,000 na solid earnings record sa dating title niya na Fortnite, nangunguna na ang pro player na ito sa Warzone ranks sa kaniyang ipon na doble ang amount.
Nagdiwang si Aydan dahil sa kaniyang US$300,000 earnings milestone
Tinweet ng NYSL content creator ang balita matapos nilabas ng Esports Earnings ang mga numbers.
Nangunguna si Aydan sa Call of Duty Warzone earnings sa kaniyang total na US$309,223 mula sa 91 tournament appearances, at dahil diyan siya ang kauna-unahang player na nakaipon ng mahigit US$300,000.
Nakamit ng streamer ang milestone na ito matapos ang isang busy na linggo na puro paglalahok sa tournaments, at nakaipon siya ng US$12,000 mula sa tournaments tulad ng The Last Dance in Verdansk at Symfuhny Showdown.
Binati ng runner-up nasi Tommey ang Call of Duty Warzone pro player
Ang earnings race patungong US$300,000 ay gitgitan sa pagitan ni Aydan at runner-up Thomas “Tommey” Trewren. Si tommey ang pinakamalapit na player matapos kay Aydan para sa milestone, ang tournament earnings niya ay nasa US$274,174.
Kahit na nahuli siya, binati pa din ng British 100 Thieves player si Aydan sa kaniyang achievement.
“You’re a real talent, Aydan,” sabi ni Tommey sa isang tweet.
Ang mga laging squadmates ni Aydan na sina Jordan “HusKerrs” Thomas at Rhys “Rated” Price ay na-feature din sa top ranks ng listahan sa kanilang mahigit US$240,000 sa bawat pangalan nila.
Pinanalo ng triple threat na ito ang World Series of Warzone – NA Trios at inuwi nila ang US$200,000 prize pool.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.