Anong mangyayari pag itinapat mo ang mga pinakamahuhusay na operators ng Warzone laban sa 2021 Call of Duty League champions?
Sa pinakahuling video ng Nuke Squad, hinarap nina Kris “Swagg” Lamberson ang kapwa FaZe Clan members at CDL 2021 champs na Atlanta FaZe sa isang series ng Call of Duty multiplayer matches.
Kahit na mga eksperyensadong Call of Duty players ang Nuke Squad, mas madalas maglaro ang mga streamers sa mas malalawak na landscape ng Warzone. At ngayong lumalaban sila sa mas maliliit na mapa, ibinigay ng Nuke Squad ang lahat nang kanilang makakaya upang makasabay.
CDL champs Atlanta FaZe nagdomina sa tulong nina Arcitys at Cellium
Dahil sanay na sila sa multiplayer sa competitive games, nasa ibang lebel ang gameplay at chemistry ng Atlanta FaZe.
Nangibabaw ang sniper na si Alec “Arcitys” Sanderson sa kanilang Hardhat Search & Destroy game. Habang nag-aabang sa tunnel upang itumba ang sinumang kalaban sa sasalisi, nakakuha si Arcitys ng dalawang one-shot kills na nagpanalo sa round.
Sa post-match comms, sinabi ni Dante “Santana” Santana na gumamit sya ng Dead Silence, isang field upgrade na nagpapatahimik ng footsteps, subalit sinundan ni Arcitys ang kanyang kutob ang nanatili sa kanyang pwesto para kunin ang ikalawang kill.
Matapos kunin ang unang game sa score na 6-1, pabirong nagkomento ang top fragger na si McArthur “Cellium” Jovel tungkol sa kanilang panalo.
“It’s like we never left,” sabi ni Cellium.
Nuke Squad nakakuha ng isang S&D win sa Call of Duty
Nakuha ng Nuke Squad ang kanilang rhythm laban sa pro CDL team sa ikatlong S&D map na Vacant.
Ang streamer na si Ean “Booya” Chase ang naging critical sharpshooter sa mga huling rounds.Habang sumusugod si Santana at ang kanilang team sa site para magtanim at kumuha ng ilang kills, isang malupit na quick-scope ang pinakawalan ni Booya kay Cellium.
Tabla ang score sa 5-5, at ang pares ni Booya at Santana ang naiwan sa hallway. Nang makita ni Booya kung nasan ang natitirang dalawang kalaban, mabilis na tumakbo si Santana upang salisihan ang mga ito para sa isang killer flank.
Sa kabila ng pagkamatay ni Santana sa kamay ni Chris “Simp” Lehr, mabilis na dumating si Booya mula sa isang doorway upang itumba ang pro player at makuha ang unang win para sa Nuke Squad.
Nakakuha ng 15 kills si Booya, isang patunay na kaya nyang makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na pros ng CDL.
“Did we win a game against the champs on a non-CDL map?” sabi sa streamer group.
Simp pinuri ang sniper skills ng streamer na si Santana
Tinapos ng dalawang squad ang gabi sa isang sniper showdown sa pagitan nina Santana at Simp. Parehong gumamit ng Kar98k ang dalawang players sa iconic Call of Duty multiplayer map na Rust.
Nakasabay si Santana sa kill count ni Simp sa mga unang minute, ngunit nang maging komportable na si Simp sa kanyang rifle, mabilis syang nakakuha ng mga quick scopes sa bawat anggulo.
Gamit ang kanyang pro skills, tinapos ng Atlanta FaZe player ang match sa score na 20-9 laban sa mga streamers.
“Thank god you said to use Kar98k’s, bro. It was going to be boring with the AX-50’s. Good game though,” sabi ni Simp. “A couple of times you killed me, I was like, wow.”
Panoorin ang buong Nuke Squad vs Atlanta FaZe match sa ibaba:
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.