Matagumpay ang Pinoy CODM pro team na Omega Esports sa kanilang match laban sa team ng Taiwan na Raptors.DNS sa unang araw ng Call of Duty Mobile World Championship 2021-Garena noon Oct. 7.

Omega Esports vs Raptors.DNS match results 

Hardpoint Round, SCORE: 150 (Omega Esports) – 82 (Raptors.DNS) 

Omega Esports vs Raptors.DNS, Hardpoint Round
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Malakas ang simula ng Omega sa kanilang unang match laban ang Raptors.DNS sa unang mapa na Summit. Hindi nila pinagbigyan maka-point ang kalaban hanggang sa nakaabot sila ng 41 points sa unang hardpoint.

Nakuha naman ng Raptors.DNS ang pangalawang hardpoint ngunit mabilis ding nabawi ito ng Omega, salamat kay Crush at ang kaniyang KRM-262.

Paonti-onting bumawi si iWife ng Raptors.DNS gamit ang kaniyang Death Machine ngunit pinarusahan siya ng Omega matapos kunin ang pangatlong hardpoint.

Sadyang inaakit ng Omega ang tropang Raptors.DNS papunta sa hardpoint, at doon nila ito pinipitas nang paisa-isa. Naging matagumpay naman ang stratehiya nilang ito, dahil nanalo sila sa Hardpoint round na may score na 150 – 82.

Search and Destroy Round, SCORE: 6 (Omega Esports) – 2 (Raptors.DNS)

Omega Esports vs Raptors.DNS, SND Round
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Naging easy breezy ang panalo ng Omega laban ang Raptors.DNS sa Search and Destroy round, tuloy-tuloy nilang pinanalo ang unang tatlong round sa Raid na mapa.

Naka-score lamang ang Raptors.DNS ng point sa SND round, pasalamat kay DNS.zonglun at ang kaniyang Holger 26.

Mainit ang labanan sa A site sa match point ng laban, hanggang sa patuloy na pinitas ng Omega ang Raptors.DNS para masungkit ang Search and Destroy round na may score na 6 – 2.

Domination Round, SCORE: 150 (Omega Esports) – 103 (Raptors.DNS)

Omega Esports vs Raptors.DNS,Domination round
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Gitgitan ang labanan sa unang parte ng Domination round, dahil walang nakakuha ng B point sa Takeoff na mapa.

Ngunit pinarusahan ni Jayzee ang Raptors.DNS gamit ang kaniyang MX9 para makuha ang B point para sa kaniyang squad.

Gumamit rin siya ng kaniyang mga scorestreaks tulad ng Predator Missile Kill, Sentry Gun, at Death Machine para siguraduhing hindi makakapasok ang Raptors.DNS sa B point. Nakuha ng Omega ang unang kalahati ng round, na may score na 75 – 43.

Bagamat mabagal ang usad ng puntos ng Omega sa pangalawang kalahati ng round, naging slowly but surely ang kanilang panalo laban sa Raptors.DNS para tapusin ang laro ng may score na 150 – 103.

Mayroong 4 points na ang Omega Esports sa Group A stage ng tournament, 3 points sa kanilang laban sa Raptors.DNS at 1 point sa kanilang laban sa ALMGHTY ng Singapore.

Panoorin ang live broadcast ng Call of Duty Mobile World Championship 2021 – Garena sa kanilang opisyal na Facebook page.

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga updates tungkol sa CoD.