Nandito na ang Call of Duty Mobile World Championship 2021 – ang event kung saan magkakaalamanan na kung anong bansa ang mayroong pinakamabangis na CODM players.
Ang tournament na ito na hinanda ng Activision ay magaganap mula October 7 hanggang October 17, 2021.
Ang mga bansa na lalahok ay nagmula sa Southeast Asia, ang Philippines, Thailand, Taiwan, Malaysia, Singapore, at Indonesia, kung saan ang top 2 teams ay dapat manalo sa National Championship sa kanilang bansa.
Ang mga teams mula sa Pilipinas na lalahok sa tournament na ito ay nagmula sa Omega Esports at Blacklist International.
Call of Duty Mobile World Championship 2021- Garena schedule at matches
Ang 12 teams na ito ay hinati sa dalawang grupo, ang Group A at Group B.
Lahat ng matches ay lalaruin base sa best-of-three objective, at ang top 4 teams ng bawat grupo ay makakapasok sa Playoffs sa October 16-17 kung saan malalaman na kung sino nga ba ang pinakamalupet na pro team sa SEA.
Standing
To be Updated
Group A
1. | Sharper Esport | 7p |
2. | Omega Esports | 7p |
3. | ALMGHTY | 6p |
4. | RIMO Sadewa | 6p |
5. | Yoodo RSG | 3p |
6. | Raptors.DNS | 1p |
Group B
1. | WDC.FREESLOT | 4p |
2. | DG Esports | 3p |
2. | SEM9 | 3p |
4. | M42 Esports | 2p |
5. | AFN Gaming | 2p |
6. | Blacklist International | 1p |
Panoorin ang live broadcast ng Call of Duty Mobile World Championship 2021 – Garena sa kanilang opisyal na Facebook page.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga updates tungkol sa CoD.