Hindi nag-iwan ng mga seryosong katanungan ang finale ng Spy x Family. Sa halip, ipinaalala nito ang totoong rason kung bakit natin ito pinapanood — ang kaibig-ibig at uber-sweet na cuteness ni Anya na aksidenteng hinihila ang kanyang fake parents sa isang vortek ng wholesomeness.
Pero ang tunay na pokus ng anime series ay ang kanyang pekeng ama, si Loid Forger — codename Twilight — at ang bagong trailer para sa second season ay tila pinapakita na didilim ang mga pangyayari.
May dramatic shift sa Season 2 trailer ng Spy x Family
Sa pagtatapos ng season one, tila nagbalik sa track ang Operation Strix. Pero ang nature ng super spy job ni Loid forger ay nangangahulugan na wala pang naitataga sa bato at marami pang hadlang sa mga plano ang dapat asahan.
Bagamat tumagal lang ng 40 segundo, ang trailer ng Spy x Family Season 2 ay malinaw. Patungo ang serye sa mas seryoson na kabuuang arc kung saan naatasan si Loid na pigilan ang isang terrorist bombing attack ng isang bagong tauhan.
Nakasilip din tayo sa overprotective mum instincts ni Yor Forger habang si Anya naman ay lalong nakikilala ang kanyang kaibigang aso. Ang white coat nito ay nangangahulugan ito rin ang parehong aso na ipinakita sa brief teaser sa Episode 11 kung saan ang pinabayaang hayop ay tila may kapangyarihan — isang karagdagang chaotic element sa dinamikong pamilya.
Dahil na rin sa magandang pagtanggap sa Season 1 ng Spy x Family, umasa tayo na makakahanap pa rin ang serye ng mas maraming wholesome boding moments sa pagitan ng tatlong bida at marahil ay magkaroon ng dagdag sa cast.
Siguradong itatago pa rin nila ang kanilang totoong pagkakakilanlan. Pero gaano kaya sila kagaling sa paggawa nito?
Kung hindi mo pa napapanood ang unang season, panoorin mo na ito ngayon sa Crunchyroll. Magsisimula ang Season 2 sa Oktubre, at hindi na kami makapaghintay na masaksihan ang susunod na bahagi ng isa sa best animes ng taon.
Base ito sa akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.