Hindi maitatanggi na ang Japanese idol na si Akase Akari ay isa sa mga pinaka-nakabibighani na anime cosplayers sa mundo. Pinatunayan muli ito ng My Dress-Up Darling singer ng sumakay siya sa Spy x Family hype sa pamamagitan ng kaniyang Yor Forger cosplay.
Up-to-date si Akase sa hottest characters sa bawat season. Mababalikan na noong Winter 2022 anime season, isang flawless Marin Kitagawa cosplay ang inihandog niya sa fans, kasabay pa ng pagkanta ng ending song ng anime na “Koi no Yukue”.
Matapos ang kaniyang nakabibighaning pagganap sa anime princess, isinalang naman ng J-idol ang Thorn Princess ng Spring Anime Season.
Sweet ngunit deadly ang Yor Forger cosplay ni Akase Akari
Inilabas ni Akase ang kaniyang Yor cosplay sa kaniyang Twitter account (@akase_official) tampok ang bida ng Spy x Family na suot ang sleek at sexy na outfit. Kaakibat nito, suot din niya ang signature halter-style black dress ni Yor, at kunumpleto ng thigh-high leather boots.
Swabe din ang kombinasyon niya ng golden rose headband at prop needle sa kaniyang kanang kamay, na matatandaang sandata ni Yor sa nasabing series.
Ngunit ang nagpamangha ng lubos sa mga fans ay ang half-smile ng cosplayer na hango sa yandere look ng karakter. Ang kabaliktaran ng tsundere, ang yandere ay isang sikat na anime trope kung saan ipinapakitang mahinhin at malumanay ang isang karakter ngunit may kakayahang maging maangas at maging brutal.
Bago sumanib sa Forger family, isang clerk sa Berlint City Hall si Yor Briar. Kalaunan ay naisiwalat na isa siyang assassin na may codename na “Thorn Princess”. Kilala siYor sa kaniyang kakulangan sa pakikipagkapwa-tao at madalas na iniisp na ang pagpatay ay ang solusyon sa bawat sitwasyon. Alamin ang iba pang impormasyon tungkol kay Yor Forger dito.
Kasulukuyang ipinapalabas sa Netflix ang show, kung saan kada-Linggo ay may bagong episode.
Maaaring tignan ang iba pang cosplay ni Akari sa kaniyang Instagram account (@akaseakari_official).
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: 3 pinaka-astig na anime ship na tanging long-time anime fans lang ang nakakaalam