Pinasilip ng pinakabagong trailer ng DOTA Dragon’s Blood Book 3, na nakatakdang ipalabas sa ika-11 ng Agosto, ang paghaharap ng mga karakter sa serye at ni Terrorblade.
Bagamat saglit lang ang mga screen time ng umaastang kontrabida ng palabas, hindi maipagkakaila ang importansya ni Terrorblade sa istorya. Siya halos ang nagpapa-ikot ng mga pangyayari at mukang magbabago na ito sa paparating na season.
May mga bagong kapangyarihan ang cast ng DOTA Dragon’s Blood para labanan si Terrorblade
Matatandaang nabigyan ng dagdag sa kanilang power levels ang ilang karakter sa DOTA Dragon’s Blood noong ending ng Book 2, lalo na sina Mirana at Fymryn.
Samantala, mukang may tinatago namang alas si Davion, lalo na’t kaya niyang mag-transform sa ibang mga dragon sa laro, imbes na si Slyrak lang. Sa palabas, mukang mas magiging makapangyarihan ang karakter matapos makuha ang mga kaluluwa ng ilang dragon.
Kahit sino mang karakter ang inaabangan mo, asahan na magkakaroon ito ng buff sa paparating na season.
Dahil sa dami ng mga tanong na iniwan ng nakaraang season, inaasahang isa-isa itong masasagot sa bawat episode ng DOTA Dragon’s Blood Book 3.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Nagbabalak na raw si Topson na ipagpatuloy ang kanyang pro Dota 2 career