Handa na ang Tekken upang ilabas ang full anime series nito na ipapalabas sa Netflix, ang Tekken: Bloodline na may bagong trailer kasabay ng opisyal na anunsyo ng release date nito.
Matatandaan na naglabas na dati ng isang anime film ang fighting game franchise ngunit hindi ito naging kasing sikat ng live-action movie, na hindi pinatawad ng mga batikos mula sa mga kritiko. Mabuti na lang ay lumabas ang CGI film na Tekken: Blood Vengeance.
Huwag na kayong mag-alala dahil kaunting panahon na lang ang ating hihintayin at kasado na ang paglabas ng unang anime series ng isa sa mga pinakasikat na fighting game titles sa mundo. Pero ano ba ang dapat asahan ng mga fans sa anime na ito?
Tekken: Bloodline bagong trailer at release date
Sa bagong trailer na inilabas ay ipinakita ang mga karagdagang characters na hindi lumabas sa unang trailer ng anime tulad nina Hwoarang, Nina Williams, Ling Xiaoyu, at Julia Chang. Mapapansin din ng mga fans na ginamit ng mga characters ang mga moves nila mula sa game, tulad ng Demon Breath at Rage Art ni Heihachi, Viper Bow Kick ni Leroy, Shoulder Smash ni Paul Phoenix at Lasso Kick ni King.
Gaganap bilang Jin Kazama si Isshin Chiba, habang si Mamiko Noto naman ang magbibigay ng boses kay Jun Kazama. Ilan din sa mga miyembro ng cast sina Taiten Kusunoki, Masanori Shinohara, Toshiyuki Morikawa, Maaya Sakamoto, Houchuu Ootsuka, Seiko Yoshida, Yumi Touma, at Hidenari Ugaki.
Ang Tekken: Bloodline ay nakatakdang ilabas sa August 8 sa Netflix.
Panoorin ang bagong trailer dito:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.