Hindi maikakaila na malaking bahagi ng mundo ang patuloy na naaaliw sa panonood ng anime lalo na sa bansang Japan kung saan unang umusbong ang ganitong istilo ng animation. Ngunit pagmamaliit kung sasabihing mahilig ang mga Hapon sa anime dahil kung susuriin ang box office chart sa bansa noong 2021 ay tatlong anime movies ang namayagpag dito.
Oo. Top 1 hanggang top 3 ay anime movies.
Evangelion at iba pang anime movies tampok sa top movies sa Japan noong 2021
Anime movies ang namamayagpag sa big screen sa Japan, ayon sa data na inilabas ng Film Classification and Rating Organization (Eirin). Ibinahagi ng film regulating body ang listahan ng best movies ng 2021 base sa kanilang revenue.
Ang Evangelion: 3.0+1.0 Thrice Upon a Time ng Studio Khara ang nakaposte sa number one spot na nagtala ng limpak-limpak na US$87M (JP¥10.2B). Pang-apat at panghuling pelikula ito ng Rebuild of Evangelion film series na inilabas noong March 8 noong nakaraang taon. Ang anime movie ay base sa sulat at direskyon ng series creator ng palabas na si Hideaki Anno.
Kabilang din sa blockbuster anime films ang Detective Conan: The Scarlet Bullet na naglista ng US$61.2M (JP¥7.7B) at Belle na kumita ng US$57.2M (JP¥6.6B)
Bukod sa mga ito, pasok din sa movie charts ang My Hero Academia: World Heroes’ Mission.
Heto ang kumpletong listahan ng most watched films sa Japan base sa kanilang revenue:
RANKING | 2021 RELEASE DATE | MOVIE TITLE | REVENUE |
#1 | March | Evangelion: 3.0+1.0 Thrice Upon a Time | US$87M |
#2 | April | Detective Conan: The Scarlet Bullet | US$61.2M |
#3 | July | Belle | US$57.2M |
#4 | November | ARASHI Anniversary Tour 5×20 Film “Record of Memories” | US$39.4M |
#5 | July | Tokyo Revengers (Live-Action) | US$39M |
#6 | April | Rurouni Kenshin: The Final | US$37.7M |
#7 | December 2020 | New Interpretation Records of the Three Kingdoms | US$35M |
#8 | January | I Fell in Love Like a Flower Bouquet | US$33.1M |
#8 | September | Masquerade Night | US$33.1M |
#10 | August | My Hero Academia: World Heroes’ Mission | US$29.4M |
Patok din sa mga miron ang live-action movie adaptations ng anime series na Tokyo Revengers at Rurouni Kenshin na magkasunod na nagtala ng US$39M at US$37.7M.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Anime.
BASAHIN: Blue Lock anime: Release date, storya, characters, seiyuu, at status ng manga