“Japan only requires one thing to become the strongest powerhouse in soccer. And that is the creation of a revolutionary striker” — Ego Jinpachi

Magkakaroon na ng anime adaptation ngayong 2022 ang sikat na Weekly Shonen magazine manga na Blue Lock. Tampok dito ang istorya ng 300 batang striker at isang coach na nais makagawa ng ‘ultimate striker’ para sa Japanese national soccer team.

Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa Blue Lock anime adaptation, kasama ang storya, release date, characters, seiyuu o voice actors, at status ng manga.


Ano ang Blue Lock?

Screenshot by Jonathan Yee/ONE Esports

Ang Blue Lock ay isang Japanese manga na sinulat ni Muneyuki Kaneshiro, in-illustrate ni Yusuke Nomura, at na-serialize sa Kodansha’s Weekly Shonen Magazine simula pa noong Agosto 2018.

Nagsimula ang kwento nito matapos matalo ng Japanese national soccer team sa quarterfinals ng 2018 World Cup. Para mapabuti ang performance ng bansa, nag-arkila ang Japan Football Union ng misteryosong lalaki na nagngangalang Ego Jinpachi. Ang plano niya ay dahil ang 300 under-18 forwards sa bagong tayo na Blue Lock facility at mahulma ang pinakamagaling na striker sa buong mundo sa bisa ng brutal na training regimen.

Isang forward lang ang hihirangin na susunod na national striker ng Japan at ang 299 na manlalarong hindi mapipili ay hindi na maaaring irepresenta ang national team. Isa sa mga 300 napili ay si Yoichi Isagi na kakagaling lang mula sa pagkatalo sa National High School Football Qualifiers matapos niyang ipasa ang bola sa kalaban imbis na itira ito.

Iikot ang storya kay Yoichi Isagi at iba pang strikers sa kompetisyon para ma-develop ang kanilang ego at maging ang pinakamagaling na forward sa buong mundo.


Release date ng Blue Lock anime series

Bagamat wala pang eksaktong petsa kung kailan ito ipapalabas, ang Blue Lock anime series ay nakatakdang mag-premiere ngayong 2022.

Ito ay i-a-animate ng Eight Bit studio, kilala sa That Time I Got Reincarnated as a Slime, at idi-direk ni Tetsuaki Watanabe. Ang music ay kay Jun Murayama, habang si Taku Kishimoto naman ang gagawa ng composition at script.

(I-a-update pa.)


Characters sa Blue Lock anime at seiyuu nila

Screenshot by Jonathan Yee/ONE Esports

Narito ang ilan sa mga main character sa serye at kanilang mga seiyuu:

CHARACTERDESCRIPTIONSEIYUU/VA
Yoichi IsagiIsang forward na unang na-rank bilang ang ikalawa sa pinakamahinang striker sa Blue Lock.Ura Kazuki
Hyōma ChigiriMabilis na forward pero takot nang ilabas ang buo niyang lakas matapos ma-injure.Saitō Sōma
Meguru BachiraKakaibang player na nagtitiwala sa kanyang pakiramdam at husay sa pag-dribble para mautakan ang kalaban.Kaito Tasuku
Rensuke KunigamiKaliweteng striker na may matibay na pinaninindigan.Ono Yūki

Status ng manga

Ongoing pa ang manga ng Blue Lock. Linggo-linggo itong may release sa Weekly Shonen Magazine at Kodansha simula noong 2018.

May 12 English volumes na sa ngayon.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa anime, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Anime na My Hero Academia magkakaroon ng battle royale game