Wala naman sigurong magrereklamo kung tatawagin ang Naruto na most successful anime series of all time.Ang series na ito, na naglalahad ng kwento ng isang batang naghahangad na maging Hokage, ay nagpaunlak sa milyong-milyong fans sa buong mundo nang mahigit dalawang dekada.

Sa pagkakataong ito ay pag-uusapan natin ang limang Naruto facts na marahil ay lama mo na rin.

Naruto facts na kailangan mong malaman

Namatay ba si Naruto?

Naruto Uzumaki
Credit: VIZ Media

Sa unang episode ng Boruto anime, nagpakita ng ilang sulyap sa hinaharap kung saan makikitang nawasak nang tuluyan ang KOnoha at tila patay na si Naruto. Ngunit sandali lamang itong ipinakita, dahil nagbalik sa nakaraan ang kwento kung saan buhay na buhay sa Naruto.

Hanggang ngayon, na umabot na ng 244 episodes ang Boruto anime series, ay buhay pa rin si Naruto. Ngunit mamamatay ba siya tulad ng ipinakita sa unang episode? Isa pa rin itong misteryo.

Ano an ibig sabihin ng Naruto?

Naruto Rasengan
Credit: VIZ Media

Naruto Uzumaki ang buong pangalan ng isa sa pinakasikat na anime character sa buong mundo. Ang salitang Naruto ay maaring mangahulugang “thunder storm”. Maaari ring ang salitang Naruto ay pinaikling “narutomaki”, isang tipikal na Japanese food na may pink o rede na spiral pattern. Ang narutomaki ay madalas na ginagamit bilang toppings sa ramen.

Habang ang Uzumaki ay nangangahulugang “vortex” o “spiral”. Ang vortex o spiral ay kapareho ng simbolo sa Naruto anime series. Una sa lahat,ang sagisag ng Konoha ay isang arrow na nakakonekta sa isang spiral symbol, pati ang seal sa tiyan ni Naruto ay hugis spiral din, maging ang simbolo sa likod ng kanyang jacket ay hugis spiral, maging ang isa sa kanyang pinakasikat na atake na Rasengan ay nangangahulugang “spiral rotation”.

Kailan isinilang si Naruto?

Naruto Uzumaki Childhood
Credit: VIZ Media

Sa anime man o sa manga, hindi nabanggit ang eksaktong petsa ng kapanganakan ni Naruto. Ngunit ang isa sa mga opisyal na streaming platforms na Crunchyroll ay laging ipinagdiriwang ang kaarawan ni Naruto tuwing October 10.

Ang petsang ito ay ipinagdiriwang din bilang Sports and Health Day (Taiiku no hi) sa Japan, isang holiday na puno ng sports at physical activities.

Sino ang lumikha ng Naruto?

Naruto Uzumaki
Credit: VIZ Media

Ang lumikha sa character na si Naruto ay si Masashi Kishimoto, isang mangaka na isinilang noong November 8, 1974. Bukod sa Naruto manga, kasama din si Kishimoto sa paglikha ng dalawang anime films, ang The Last: Naruto the Movie at Boruto: Naruto the Movie.

Ngayon, si Masashi Kishimoto ang namumuno sa mga authors ng Boruto, isang anime series tungkol sa buhay ng panganay na anak ni Naruto.

Magkano ang kabuuang kinita ng Naruto series?

Naruto Uzumaki
Credit: VIZ Media

Kung pagsasamahin lahat nang kinita ng Naruto mula sa manga, anime series, merchandise sales, at iba pa, tantya ng CBR na ang nalikom na halaga ay lalampas pa sa US$10 billion, o katumbas ng PHP524.2 trillion.

Para sa iba pang balita tungkol sa anime, gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.