Inanunsyo ng Netflix ang bago nitong anime series na Tekken: Bloodline na nakasentro sa kwento ni Jin Kazama.

Ang Tekken series ay may halos 30 taon ng kasaysayan na binubuo ng pitong main games at ilang mga spin-off at adaptations.

Sa halip na magsimula sa unang Tekken game kung saan si Kazuya Mishima ang bida, ang bagong anime ay mukhang maglalahad ng mga pangyayari sa pagitan ng Tekken 2 at 3 kung saan magsisimula ang training ng batang Jin sa ilalim ng kanyang ina na si Jun bago pumasok sa kwento ang God of Fighting na si Ogre – bagama’t mukhang papunta na rin sa Tekken 3 ang magiging kwento sa anime.

Tekken: Bloodline Jun Ogre
Credit: Netflix

Dahil sa trahedyang magaganap, mapipilitan si Jin na hanapin ang kanyang lolo na si Heihachi Mishima, kung saan pupulbusin siya sa ilalim ng masigasig na training para matutunan ang Mishima-style karate.

Base sa trailer, itatampok din sa Tekken: Bloodline ang isa sa mga pinakabagong miyembro ng roster na si Leroy Smith.

Wala pang malinaw na petsa kung kailan lalabas ang anime sa Netflix maliban sa sinabing 2022, kaya’t malamang ay may ilang buwan din tayong maghihintay. Marami rin ang naghihintay na malaman kung anong animation studio ang kadikit ng project na ito.

Tekken: Bloodline Heihachi Jin
Credit: Netflix

Narito ang official description ng bagong series:

“‘Power is everything.’ Jin Kazama learned the family self-defense arts, Kazama-Style Traditional Martial Arts, from his mother at an early age. Even so, he was powerless when a monstrous evil suddenly appeared, destroying everything dear to him, changing his life forever. Angry at himself for being unable to stop it, Jin vowed revenge and sought absolute power to exact it. His quest will lead to the ultimate battle on a global stage — The King of Iron Fist Tournament.”

Panoorin ang trailer ng Tekken: Bloodline dito:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.