Ang Jujutsu Kaisen 0 ang pinakamainit na anime move ngayon sa kaniyang milyon-milyong kinita, kaya masasabing isang global hit ito. Kasalukuyang may 97% Rotten Tomatoes rating ito, at pinuri ito dahil sa kaniyang mga characters, music, at flawless animation na hinatid ng Japanese studio na MAPPA. 

Para mas ma-hype ang mga fans sa paglabas ng movie, naglabas ang Chinese cosplayer na si Taruki at ang kaniyang kaibigan ng panibagong Jujutsu Kaisen 0 cosplay photos kung saan gumanap sila bilang sina Yuta Okkotsu at Rika Orimoto. 

Si Yuta ang bida ng pelikula, isang high school student na minumulto ng sinumpang espiritu ng kaniyang kababatang kaibigan na si Rika. Nangyari ang movie bago ang mga kaganapan ng season one, kung saan may mas batang bersyon si Gojo Satoru at siya ay ang gumabay kay Yuta kung paano kontrolin si Rika. 

Nagkita muli sa anyong tao sina Yuta Okkotsu at Rika Orimoto ng Jujutsu Kaisen 0  

Jujutsu Kaisen 0 Yuta at Rika cosplay
Credit: Taruki cosplay

Hindi mapaghihiwalay ang mga childhood sweethearts na sina Yuta at Rika, at makikita ito sa cosplay ni Taruki. Kasama ang kaniyang kapwa cosplayer, kuhang-kuha nila ang espesyal na connection ng dalawa. 

Ipinakita ng Jujutsu Kaisen 0 photoset ang human form ni Rika bago siya naging isang espiritu na kilala bilang “Queen of Curses.” Nakitang nakayakap siya kay Yuta sa lahat ng mga litrato para ipakita ang malambing na ugali niya sa kaniyang osananajimi (kababatang kaibigan). 

Opisyal na canon ang pose na ito sa serye, at ipinakita ito sa cover ng Jujutsu Kaisen 0 manga. 

Maliban kay Yuta, nakapag-cosplay na ng ibang Jujutsu Kaisen characters si Taruki tulad nina Yuji Itadori, Gojo Satoru, at Toge Inumaki. Isa rin siyang malaking fan ng isa pang MAPPA anime, ang Chainsaw Man, ang na-cosplay na niya si Denji, ang bida ng paparating na serye. 

Sundan si Taruki sa kaniyang Instagram account (@tkk220) para makita ang kaniyang mga cosplays.