Patuloy ang lago ng esports scene ng Wild Rift kasabay ang pag-anunsyo ng Riot Games sa “Wild Tour”, ang bagong competitive circuit para sa bansang Brazil.

Matapos ang tagumpay ng Summer Super Cup sa Southeast Asia, binuksan naman sa rehiyon ng South America ang kauna-unahan nitong competitive Wild Rift tournament na nakatakdang magsimula sa Agosto.

Wild Tour Brazil: Schedule, start date, format, prize pool

LoL: Wild Rift Wild Tour Brazil
Credit: Riot Games

Apat na qualifiers ang gaganapin para sa turneo simula Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

Ang walong teams na makakakuha ng pinakamaraming circuit points ay makaka-qualify sa Brazilian final.

Gaganapin ang final offline event ng Wild Tour sa Oktubre, sa São Paulo studio ng Riot Games. Tumatagingting na US$50,000 prize pool, na ipapamigay sa kabuuan ng kompetisyon, ang paglalaban-labanan ng mga kalahok.

Ang hihiranging kampeon ng Wild Tour ay otomatikong makakapasok sa kauna-unahang global event ng Wild Rift, na nakatakdang ganapin ngayong taon, ayon sa game developer.

Magsisimula ang “Wild Rift Season Start, ang dalawang araw na invitational, bago ang main event, ngayon buwan.

Wild Rift Season Start Brazil: Schedule, prize pool, at saan mapapanood

Wild Tour, ekslusibong mapapanod sa NimoTV Brasil
Credit: Nimo TV

Sisimulan ng Wild Rift Season Start ang competitive Wild Rift scene ng Brazil. Tampok dito ang apat na invited teams at prize pool na US$11,000.

Magsisimula ang palaro sa ika-9 ng Hulyo. Ang unang dalawang koponan na magwawagi ay aabante sa final na gaganapin kinabukasan nito.

Wild Rift Season Start Brazil Format
Credit: Riot Games

Magbibigay pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa Wild Tour circuit ang Riot Games Brazil sa kasagsagan ng invitational.

Ilalabas naman ang listahan ng mga kalahok na koponan sa mga susunod na araw.

Maaaring subaybayan ang Wild Rift Season Start sa Nimo TV Brasil.

Isa ang Brazil sa sa mga bansang pinili ng Riot Games upang i-launch ang Wild Rift alpha testing noong nakaraang taon.

Simula noon, sumikat na ang mobile MOBA game sa mga lokal na manlalaro, na nagtatag rin ng sarili nilang Wild Rift community tournaments.