Inanunsyo na ng Liyab Esports ang mga manlalaro bubuo sa kanilang Wild Rift roster para sa panibagong competitive season ngayong 2022.

Pinangungunahan ito ng mga dating professional League of Legends player gaya nina Edrian “DoeDoii” Brancia at Ren “Kanji” Motomitsu. Samantala, pinangalanan naman si Gerald “Tgee” Gelacio bilang ang head coach ng koponan.

Apat na ex-League of Legends players, babandera sa Wild Rift roster ng Liyab Esports

Wild Rift roster ng Liyab Esports para sa 2022, ipinakilala na
Credit: Liyab Esports

Apat na miyembro mula sa bagong Wild Rift roster ng Liyab Esports ang sumabak sa League of Legends Pacific Championship Series (PCS) 2021, kung saan nagtapos sila sa ikawalong puwesto na may 4-14 win-loss record.

Ang mga nadagdag ay ang mid laner na si Gabriel “Sho” Sebastian Umali, na galing Fennel University, at Klyde Perfection “Klyde” Abello, na huling naglaro sa Oasis Gaming.

Kasama ni Tgee sa coaching staff si Reggie Dominik “Cheesto” Paat, na parte na Liyab Esports simula pa noong nakaraang taon.

Wild Rift roster ng Liyab Esports para sa 2022, ipinakilala na
Credit: Liyab Esports

As we move forward into 2022, we are confident that we have made the right moves to take Liyab Esports to the next level,” saad ni Ralph Aligada. “Our work together represents a deeper commitment to nurture and develop the local gaming scene.”

Magsisimula ang kampanya ng Liyab Esports sa PPGL Wild Rift Champion SEA: Philippines sa susunod na buwan.

Wild Rift roster ng Liyab Esports

  • Jay “Speltz” Tabarangao (Baron lane)
  • Edrian “DoeDoii” Brancia (jungler)
  • Ren “Kanji” Motomitsu (mid lane)
  • Gabriel “Sho” Sebastian Umali (mid lane)
  • Klyde Perfection “Klyde” Abello (Dragon lane)
  • Jhon Mike “Xyliath” Tungol (support)
  • Gerald “Tgee” Gelacio (head coach)
  • Reggie Dominik “Cheesto” Paat (assistant coach)

Matatagpuan ang kumpletong anunsyo ng Liyab Esports sa kanilang Facebook page.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Alodia pinamangha ang gaming world sa nakikibighaning Leona-inspired dress