Ang Wild Rift patch 2.3c ang pinakahuling balance patch sa cycle na ito bago lumabas ang major update sa patch 2.4.
Tampok sa inilabas na update ang adjustments na ibinigay sa dalawang support champions sa dragon lane na sina Leona at Braum.
Na-nerf si Braum sa Wild Rift patch 2.3c
Passive – Concussive Blows
- (Bugfix) Binawasan ang stun duration sa max level mula 1.56s na ngayon ay 1.5s na lamang.
First ability – Winter’s Bite
- Binawasan ang percentage HP damage mula 5% papuntang 3%.
Third ability – Unbreakable
- Pinaigsi ang duration mula 5s papuntang 4s.
Malaki ang kabawasan sa pinakamabangis na ability ng Braum na Winter’s Bite. Matapos ang patch, hindi na kasing sakit ang damage ng ability dahil binabaan ng 2% ang percentage HP damage nito.
Hindi rin mapapalagpas ang ginawang pagpapaigsi sa duration ng Unbreakable Shield na ngayo’y menos ng isang segundo na nangangahulugan ding menos damage blocked ni Braum.
Kaalinsabay nito, inilabas din ang Senna kaya naman nangangaray ang mga Braum mains. Ang Piercing Darkness ni Senna ang magpapahirap sa kahit sinong Braum player dahil sa poke damage bago pa naman makalapit ang champion. Kahit pa makadikit sa Senna, may Last Embrace at Curse of the Black Mist siya para makatakas at ma-sustain ang kaniyang lane.
Buffed ang Leona sa Wild Rift patch 2.3c
Passive – Sunlight
- Tinaasan ang base damage mula 33 to 145 na ngayon ay 34 to 160 na.
Second ability – Eclipse
- Dinagdagan ang armor mula 25/35/45/55 + 20% bonus armor na ngayon ay 35/50/65/80 + 20% bonus armor na.
- Pinalakas ang Magic Resist na galing 25/35/45/55 + 20% bonus MR papuntang 35/50/65/80 + 20% bonus MR.
“Do you remember ages ago when I said the thing that Leona needs is — she needs to be a bit more tanky?” tanong ng Wild Rift content creator at shoutcaster na si Ceirnan “Excoundrel” Lowe sa kaniyang latest patch 2.3c breakdown.
Tama si Excoundrel. Kaya naman siguradong matutuwa sa patch 2.3c ang mga Leona mains.Ang Eclipse ability ay ang nag-iisang ability ni Leonna na nakapagbibigay sa kaniya ng defensive stats at sa katatapos lang na update, tinaasan ito ng hanggang 25 papuntang late game. Ang base damage din ng Sunlight ay nabigyan ng buff kung saan may extrang 15 damage ang ability sa late game.
Ngayong patok ang Senna sa meta, perpektong pangontra ang Leona dahil pinaka-epektibong atake laban sa hero na ito ang pagbuhos sa kaniya ng abilities na tipikal na ginagawa para mapitas ang mga long range, low HP marksmen.
Basahin ang kumpletong Wild Rift patch 2.3c notes dito.